Mayroong kasabihan kabilang sa mga dakilang taong paham sa panahong ilalantad nila ang malalim na bagay: sila ay magsimula sa kanilang mga salita sa, "Ako ay maglalantad ng bahagi at magtatakip ng dalawang bahagi." Ang ating mga taong paham ay nag-iingat na hindi magsalita na walang kailangan, gaya ng tinuro ng ating mga taong paham, "Ang salita ay isang bato; ang katahimikan ay dalawa."
Ito ay nangangahulugan na kung mayroon kang walang halagang salita, na ang halaga ay isang bato, alamin mo na ang hindi pagsabi nito ay naghahalaga ng dalawang bato. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng mga salitang hindi kailangan na walang importanteng laman at kagamitan kundi ang pag-adorno ng dila sa mga mata ng mga manonood. Ito ay talagang ipinagbawal sa mga mata ng ating mga taong paham, gaya ng napag-alaman na ng mga taong sumusuri sa kanilang mga salita. Kaya, dapat tayo maging atentibo sa pag-unawa nitong karaniwang kasabihan nila.
Mayroong tatlong bahagi sa mga sekreto ng Torah. Ang bawa't bahagi ay mayroong kanilang sariling dahilan sa pagiging pagkatago. Sila ay tinawag sa mga sumusunod na mga pangalan:
1. Hindi kailangan;
2. Imposible;
3. Ang payo ng Panginoon ay nasa kanila na natatakot sa Kanya.
Walang solong hatimbilang sa kaalamang ito kung saan ang mga pagsusuri sa tatlong bahagi ay hindi magamit, at aking lilinawin sila isa-isa.
1. Hindi Kailangan
Ito ay nangangahulugan na walang pakinabang na magmula sa kanyang paglalantad. Siyempre, ito ay hindi ganoon ang laki ng kawalan dahil mayroon lang paksa ng kalinisan ng isip dito, para babalahan sa mga gawaing inilarawan na "para ano," ibig sabihin para ano kung gawin ko ito, walang pinsala nito.Pero dapat mong malaman na, sa mga mata ng mga taong paham, ang "para ano" ay itinuring na pinakamasamang tagasira. Ito ay dahil sa ang lahat na mga tagawasak sa mundo, iyong lumipas na at iyong darating pa, ay mga "para ano" uri ng tao. Ito ay nangangahulugan na lumuluklok sila sa kanilang mga sarili at iba sa mga hindi kailangang bagay. Kaya, ang mga taong paham ay hindi tatanggap ng sinumang mag-aaral bago nila matiyak na siya ay maingat sa kanyang mga pamamaraan, na hindi magbunyag ng hindi kailangan.
2. Imposible
Ito ay nangangahulugan na ang lengguwahe ay hindi namimilit sa kanila na magsabi ng anumang bagay sa kanilang uri, dahil sa kanilang dakilang kadakilaan at espiritwalidad. Kaya, anumang pagtatangka na magbihis sa kanila ng mga salita ay maaari lamang na iligaw ang mga tagasuri at lihisin sila sa maling daan, na itinuring na pinakamasama sa lahat ng mga kasalanan. Sa dahilang iyon, ang pagbunyag ng anumang bagay sa mga bagay na ito, ang pahintulot buhat sa Itaas ay kinailangan. Ito ang pangalawang bahagi ng pagkatago ng kaalaman. Subali't, ang pahintulot na ito, din, ay nangangailangan ng paliwanag.
Ito ay ipinaliwanag sa aklat, The Gate to Rashbi's Words, (Ang Pintuan sa mga Salita ni Rashbi) ni Ari, sa The Zohar, Parashat Mishpatim, pahina 100. Ito ay mabasa gaya ng sumusunod, "Alamin na ilan sa mg.a kaluluwa ng mga banal ay sa Nakapaligid na Liwanag na uri, at ilan ay sa Panloob na Liwanag na uri. Iyong mga Nakapaligid na Liwanag na uri ay may lakas na magsalita ng mga sekreto ng Torah sa pamamagitan ng pagkatago at paghihiwatig, kaya ang kanilang mga salita ay maiintindihan lamang sa mga karapat-dapat na makakaunawa sa kanila.
Ang kaluluwa ni Rabbi Shimon Bar-Yochai ay sa Nakapaligid na Liwanag na uri. Kaya, siya ay may lakas na magbihis sa mga salita at magturo sa kanila sa paraang kahit itinuro niya ito sa marami, ang mga karapat-dapat lamang na makakaunawa ang makaunawa. Ito ang dahilang binigyan siya ng "pahintulot" na isulat ang "The Book of Zohar."
Ang pahintulot ay hindi "ipinagkaloob" na sumulat ng aklat sa kaalamang ito sa kanyang mga guro o sa mga nakauna sa kanila, kahit sila ay talagang mas sanay sa kaalamang ito kaysa kanya. Pero ang dahilan ay sila ay hindi nagkaroon ng lakas na magbihis sa mga bagay tulad niya. Ito ang kahulugan sa sinulat, "Alam ng anak ni Yochai paano niya bantayan ang kanyang mga pamamaraan." Ngayon ay maaari mo ng maintindihan ang dakilang pagkatago ng The Book of Zohar, isinulat ni Rashbi, na hindi lahat maaring makaunawa sa kanyang mga salita.
Ang kanyang mga salita sa buod: Ang pagpapaliwanag ng mga bagay ng kaalaman ng katotohanan ay hindi nakadepende anuman sa kadakilaan o kaliitan ng Kabalistang taong paham. Kundi, ito ay tungkol sa iluminasyon ng kaluluwa na nag-alay para dito: ang iluminasyon ng kaluluwang ito ay isinaalang-alang na "pagbibigay ng pahintulot" buhat sa Itaas para ilantad ang Mas Mataas na Kaalamn. Tayo sa ganoong dahilan ay makaalam na ang tao na hindi pinagkalooban sa pahintulot na ito ay dapat hindi gumagawa ng mga paglilinaw sa kaalamang ito, dahil hindi niya maaring mabihisan ang mga dakilang bagay sa kanilang angkop na mga salita sa paraang hindi mabigo ang mga mag-aaral.
Para sa dahilang ito hindi tayo makatagpo ng isang aklat sa kaalaman ng katotohanan na nauna ng The Book of Zohar ni Rashbi, dahil lahat ng mga aklat sa kaalaman bago sa kanya ay hindi kinakategoriya gaya ng mga interpretasyon ng kaalaman. Sa halip, sila ay mga pagpapahiwatig lamang, walang kahit anong pagkakasunod-sunod ng dahilan at kinalalabasan, gaya ng napag-alaman ng mga nakatagpo sa kaalaman. Ganoon ang layo sa pag-uunawa ng kanyang mga salita.
Dapat kong idagdag, gaya ng natanggap ko mula sa mga aklat at mga may-akda, na mula sa panahon ni Rashbi at ng kanyang mga estudyante, mga may-akda ng The Zohar, hanggang sa panahon ni Ari wala ni kahit isang manunulat na nakaintindi ng mga salita ng The Zohar at ng Tikkunim (mga pagwawasto) tulad ni Ari. Lahat ng mga komposisyon bago sa kanyang panahon ay mga pagpapahiwatig lamang ng kaalaman, kasama ang mga aklat ng taong paham na si Ramak.
At parehong mga salita na sinabi tungkol kay Rashbi ay dapat sabihin tungkol kay Ari mismo—na ang kanyang mga sinusundan ay hindi binigyan ng pahintulot buhat sa Itaas na ilantad ang mga interpretasyon ng kaalaman, at siya ang binigyan ng pahintulot na ito. At saka, ito ay hindi pumili ng anumang kadakilaan o kaliitan, dahil posibleng ang kabutihan ng kanyang mga sinusundan ay lalong mahigit kaysa kay Ari, pero hindi sila binigyan ng pahintulot para dito. Para sa dahilang ito, pinigilan nila ang kanilang mga sarili na sumulat ng mga komentaryo na nauugnay sa tunay na kaalaman, kundi lumagay sa maiksing pagpapahiwatig na hindi sa anumang paraan naiugnay sa isa't-isa.
Para sa dahilang ito, mula ng lumitaw ang mga aklat ni Ari sa mundo, lahat na nag-aaral ng kaalaman ng Kabala ay iniwan ang kanilang mga kamay mula sa mga aklat ni Ramak, at lahat ng mga nangunguna at mga dakilang tao na sinundan ni Ari, gaya ng napag-alaman sa mga kabilang ng mga nag-abala sa kaalamang ito. Iniugnay nila ang kanilang mga espiritwal na buhay sa mga sinulat ni Ari lamang sa paraang ang mga importanteng mga aklat, na isinaalang-alang na nararapat na mga interpretasyon sa kaalamang ito, ay ang The book of Zohar, ang Tikkunim at sumusunod sa kanila—ang mga aklat ni Ari.
3. Ang Payo ng Panginoon Ay nasa Kanila na Natatakot sa Kanya
Ito ay nangangahulugan na ang mga sekreto ng Torah ay ibinunyag lamang doon sa mga natatakot sa Kanyang Pangalan, na humawak ng Kanyang Kaluwalhatian sa kanilang mga puso at kaluluwa, at hindi kailan man nakakamit ng anumang paglapastangan sa Panginoon. Ito ang pangatlong bahagi ng pagkatago ng kaalaman.
Ang bahaging ito ng pagkatago ay ang pinakamahigpit, dahil itong uri ng paglalantad ay nagbigo ng marami. Mula sa kalagitanaan nito ay lumitaw ang lahat ng mga mang-aakit, mangbubulong, at mga "praktikal" na Kabalista, na nangaso ng mga kaluluwa ginamit ang kanilang kahusayan sa panlilinlang, at mga mistiko, na gumagamit ng natutuyong kaalaman na nagmula sa mga kamay ng mga hindi karapat-dapat na mga estudyante, para kumuha ng pangkatawang pakinabang para sa kanilang sarili o para sa iba.
Dapat mong malaman na ang ugat ng pagkatago ay sa bahaging ito lamang. Mula dito ang mga taong paham ay nagbigay ng sobrang kahigpitan sa pagsubok ng mga mag-aaral, gaya ng sinabi nila (Hagiga 13), "mga pangunahing mga kapitulo ay ibinibigay lamang sa punong hustisya, at sa kanya na ang puso ay nag-aalala," at "Maaseh Beresheet" ay hindi suriing magkapares, maski ang Merkava ay hindi sinusuring mag-isa." Marami pang iba na katulad nito, at lahat ng takot na ito ay para sa dahilang nasa itaas.
Para sa dahilang ito, kaunti ang pinagkalooban sa kaalamang ito, at kahit iyong pumasa sa lahat ng pagsubok at pagsusuri ay nanumpa sa pinakamasidhing sumpa na hindi ibunyag ang anumang bagay sa tatlong bahaging iyon.
Huwag kang magkamali sa pag-unawa ng aking mga salita, na binahagi ko ang pagkatago ng kaalaman sa tatlong bahagi. Hindi nangangahulugang ang kaalaman ng katotohanan ay binahagi sa tatlong bahagi. Kundi, ang ibig kong sabihin na itong tatlong bahagi ay nagmula sa bawa't detalye sa kaalamang ito, dahil sila ay tatlong pamamaraan lamang ng pagsusuri na laging ginamit sa kaalamang ito.
Subali't, dito ay dapat tayong magtanong, "Kung totoo na ang katatagan ng pagkatago ng kaalaman ay masyadong mahigpit, saan kinuha ang libu-libong komposisyon sa kaalamang ito"? Ang sagot ay mayrong kaibahan sa pagitan ng unang dalawang bahagi at ng huling bahagi. Ang nangungunang responsibilidad ay nailagay lamang sa pangatlong bahagi na nasa itaas, para sa dahilang ipinaliwanag sa itaas.
Pero ang unang dalawang bahagi ay hindi nasa ilalim palagi ng pagbabawal. Ito ay dahil paminsan-minsan ang paksang tinatalakay sa "hindi kailangan" ay nabaligtad, huminto sa pagiging hindi kailangan sa anumang dahilan, at naging kailangan. Pati ang bahagi, "imposible," ay paminsan-minsan naging posible. Ito ay ganito sa dalawang dahilan: ito ay dahil sa ebolusyon ng henerasyon o binigyang pahintulot buhat sa Itaas, gaya ng nangyari kay Rashbi at kay Ari, at mas kaunting saklaw sa kanilang mga sinusundan. Lahat ng mga orihinal na aklat na isinulat sa kaalaman ay lumitaw sa mga pang-unawang ito.
Ito ang ibig sabihin ng kanilang kasabihan, "Ako ay maglalantad ng bahagi at magtatakip ng dalawang bahagi." Ibig nilang sabihin na nangyari na ibinunyag nila ang bagong bagay na hindi nadiskubre ng kanilang mga sinusundan. At ito ang dahilan na ipinahiwatig nila na binunyag lang nila ang isang bahagi, ibig sabihin na binunyag niya ang unang bahagi ng tatlong bahagi ng pagkatago, at hinayaan ang dalawang bahagi na nakatago.
Ito ay nagpahayag na mayrong nangyari, na siyang dahilan para sa pagkatagong iyon: maaaring ang "hindi kailangan" ay nakatanggap ng anyong "kailangan," o "pahintulot buhat sa Itaas" ay ipinagkaloob gaya ng ipinaliwanag sa itaas. Ito ang kahulugan ng kasabihan, "Ako ay maglalantad ng bahagi."
Ang mga mambabasa sa mga sanaysay na ito, na binalak kong ilathala sa loob ng taon, ay dapat makaalam na lahat sila ay mga pagbabago, na siyang hindi ipinakilala talagang sa ganoon, sa kanilang tumpak na nilalaman, sa kahit anong aklat na nauuna sa akin. Natanggap ko sila mula sa bibig ng aking guro, na pinayagan para nito, ibig sabihin siya rin ay nakatanggap mula sa bibig ng kanyang mga guro.
At kahit na natanggap ko sila sa ilalim ng lahat na mga kalagayan ng pagtatakip at pagbabantay, sa pangangailangang ipinakilala sa aking sanaysay "Panahon Para Kumilos," ang "hindi kailangan" na bahagi ay naibaligtad para sa akin at naging "kailangan." Kaya, ibinunyag ko ang bahaging ito na may ganap na pahintulot, gaya ng naipaliwanag sa itaas. Nguni't hahawakan ko ang natitirang dalawang bahagi gaya ng ipinag-utos sa akin.