Ang Pangangailangan ng Pagka-mapagkaloob
kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Pangangailangan ng Pagka-mapagkaloob

Mula sa Isa Hanggang sa Marami

Dati, lahat ng tao ay may ugnayang panloob. Nadama at naisip natin ang ating sarili gaya ng iisang tao, at iyon talaga paano tayo tinatrato ng Kalikasan. Itong "pangkalahatang" tao na tinawag na "Adam," galing sa salitang Hebreo, Domeh, (kawangis), ibig sabihin kawangis ng Lumikha, na siya rin ay iisa at buo. Subali't, kahit na sa ating pasimulang pagkakaisa, ng ang ating pagkamakasarili (egoismo) ay tumubo, unti-unting nawala ang pakiramdam natin ng pagkakaisa at naging lalong malayo mula sa isa't isa.

Naisulat sa mga aklat ng Kabala na ang plano ng Kalikasan ay para sa ating pagkamakasarili (egoismo) na palagiang tumubo hanggang sa mapagwari-wari natin na tayo ay naging hiwalay at nakakamuhi para sa bawa't isa. Ang katwiran sa likuran ng plano na kailangan muna nating makadama gaya ng isang katawan, at pagkatapos maging magkahiwalay sa makasarili at manhid na mga tao. Sa ganong paraan lamang natin malaman na tayo ay talagang pasalungat mula sa Lumikha, at ganap na maramot.

Sa karagdagan, ito lamang ang paraan para sa atin na malaman na ang egoismo ay negatibo, walang katuparan at ganap na walang pag-asa. Gaya ng nasabi natin, ang ating egoismo ay naghiwalay sa atin mula sa isa't isa at mula sa Kalikasan. Pero para baguhin iyon, kailangan muna nating malaman na ito ang dahilan. Ito ang magdala sa atin sa kagustuhang magbago, at malayang maghanap ng paraan para baguhin ang ating sarili sa pagkamapagbigay, muling nauugnay sa lahat ng sangkatauhan at sa Kalikasan—ang Lumikha. Pagkatapos sa lahat, nasabi na natin na ang hangarin ay ang makina ng pagbabago.

Altruismo - Ang Batas ng Kalikasan

Sa totoo lang, ang altruismo ay hindi karapatang makapili. Para bang tayo ay maaaring pumiling maging makasarili o mapagbigay. Pero kapag suriin natin ang Kalikasan, ating matuklasan na ang altruismo ay ang pinakamahalagang batas ng kalikasan. Halimbawa, ang bawa't selula sa katawan ay bukal na makasarili. Pero para mabuhay, kailangan niyang isuko ang kanyang makasariling pinupuntahan para sa kapakanan ng katawan. Ang gantimpala para sa selulang iyon ay maranasan nito hindi lang ang kanyang sariling pag-iiral pati narin ang buhay ng buong katawan.

Tayo rin ay kailangang mag-dibelop ng kaparehong ugnayan sa bawa't isa. Saka kung lalong naging matagumpay tayo sa pagkakaisa, lalong madama natin ang walang hangganang pag-iiral ni Adam sa halip ng ating lumilipas na pisikal na pag-iiral.

Lalo na sa kasalukuyan, ang pagkamapagbigay (altruismo) ay naging mahalaga sa ating kaligtasan. Naging malinaw na tayong lahat ay may ugnayan at umaasa sa isa't isa. Ang dependensya ay magbunga ng bago at pinakatumpak na kahulugan ng altruismo: Ano mang gawa o intensyon na galing sa pangangailangang i-ugnay ang sangkatauhan sa iisang katawan ay naisaalang-alang na gawaing altruismo. Pasalungat, ano mang gawa o intensyon na hindi nakatuon sa pagkakabuklod-buklod ng sangkatauhan ay gawaing makasarili.

Ibig sabihin na ang ating pagkasalungat buhat sa Kalikasan ay ang pinanggagalingan ng lahat ng pighati na ating makikita sa mundo. Lahat ng bagay na karagdagan sa Kalikasan—mga mineral, halaman at hayop—ay katutubong sumusunod sa mapagbigay na batas ng Kalikasan. Ang pag-uugali lamang ng tao ay may kaibhan maliban sa ibang bagay sa Kalikasan at sa Lumikha.

Bilang karagdagan sa nasabi na, ang pighati na makita natin na nakapaligid sa atin ay hindi lang atin. Lahat ng ibang mga bahagi ng Kalikasan ay nagdusa mula sa ating mga gawaing puno sa kamalian. Kung ang bawa't bahagi ng Kalikasan ay katutubong sumusunod sa kanyang batas, at kung ang tao lamang ang hindi, sa gayon ang tao lamang ang bulok na elemento sa Kalikasan. Sa simpleng pagkasabi, kung iwasto natin ang ating sarili mula sa pagkamakasarili patungo sa altruismo, lahat ng bagay sa karagdagan ay mawawasto, gayun man—ekolohiya, gutom, digmaan, at lipunan sa pangkalahatan.

Pina-iging Pananaw

Mayrong espesyal na bunos sa altruismo. Parang ang pagbabago lamang ay ang ilagay ang iba sa halip sa ating mga sarili, pero mayron talagang mas mahigit na mga benepisyo. Kung simula nating isipin ang iba, tayo ay naging kabahagi nila at sila sa atin.

Isipin ito sa ganito: Mayrong parang 6.5 bilyong tao sa mundo ngayon. Ano kung, sa halip na magkaroon ng dalawang kamay, dalawang paa, at isang utak para pangasiwaan sila, ikaw ay mayrong 13 bilyong kamay, 13 bilyong paa at 6.5 bilyong utak para pangasiwaan sila? Nakakalito? Hindi masyado, dahil lahat ng utak na iyon ay kikilos na gaya ng iisang utak, at ang mga kamay ay kikilos gaya ng iisang pares na kamay. Lahat ng sangkatauhan ay kikilos gaya ng isang katawan na ang mga kakayahan ay pina-igi 6.5 bilyong ulit.

Hintay, hindi pa tayo tapos sa mga bunos! Sa karagdagan sa pagiging super-tao, kahit sino na maging mapagbigay ay makatanggap din ng pinakanais-nais na regalo sa lahat: karunungan sa lahat ng bagay, o ganap na memorya at lubos na kaalaman. Dahil ang altruismo ay kalikasan ng Lumikha, ang pagtamo nito ay magpantay ng ating kalikasan sa Kanyang kalikasan at tayo ay simulang mag-isip na tulad Niya. Simula nating malaman bakit ang lahat ng bagay ay nangyari, kailan ito dapat mangyari at ano ang dapat gawin kung gusto nating mangyari ito sa naiibang paraan. Sa Kabala, ang kalagayang ito ay tinatawag na "pagkakapareho ng anyo," at ito ang layunin ng Paglikha.

Ang kalagayang ito ng pina-iging pananaw, ng pagkapareho ng anyo, ay ang dahilan bakit tayo nilikha sa simula. Ito ang dahilan bakit tayo nilikhang buo at pagkatapos binasag—para tayo muling magsama-sama. Sa proseso ng pagkakaisa, malalaman natin bakit ginawa ng Kalikasan ang dapat niyang gawin at maging magaling tulad ng Isip na lumikha ng Kalikasan.

Kung makiisa tayo sa Kalikasan, madadama natin ang walang hanggan at buo gaya ng Kalikasan. Sa kalagayang iyon, kahit na ang ating mga katawan ay mamatay, madadama natin na tayo ay patuloy na umiiral sa walang hanggang Kalikasan. Ang pisikal na buhay at kamatayan ay hindi na makaapekto sa atin dahil ang ating dating makasariling pananaw ay mapapalitan na ng buo, mapagbigay na pananaw. Ang ating sariling mga buhay ay maging buhay ng kabuuan ng Kalikasan.

Ang Panahon ay Ngayon

Ang Book of Zohar, ang "Bibliya"ng Kabala, ay isinulat mga 2,000 na taon ang nakalipas. Sabi nito na sa bandang dulo ng siglo 20, ang pagkamakasarili ng sangkatauhan ay papailanlang sa lakas na wala pang nauunang halimbawa.

Gaya ng nakita natin dati, na kung lalo tayong nangangailangan, lalong walang kabuluhan ang ating maramdaman. Kaya, simula sa dulo ng siglo 20, ang sangkatauhan ay nakaranas ng pinakawalang kabuluhan na hindi naranasan kahit kailan. Nakasulat din sa Book of Zohar na kapag ang kawalang kabuluhang ito ay madama, ang sangkatauhan ay mangangailangan ng paraan para lunasin ito at tulungan ang mga tao maging matagumpay. Pagkatapos, sabi ng Zohar, ang panahon ay darating para ipakilala ang Kabala sa buong sangkatauhan na paraan para matamo ang katuparan sa pamamagitan ng pagkapareho sa Kalikasan.

Ang proseso sa pagtamo ng kaganapan, ang Tikkun (pagwawasto), ay hindi mangyari sa isang hudyat at hindi sabay-sabay para sa lahat. Para mangyari ang Tikkun, kailangang ang tao ay may gusto na mangyari ito. Ito ay proseso na lumabas sa kagustuhan mismo ng tao.

Magsimula ang pagwawasto kung mapagwari-wari ng tao na ang kanyang makasariling kalikasan ay ang pinanggagalingan ng lahat na kasamaan. Ito ay masyadong personal at puno ng lakas na karanasan, pero ito ay walang paltos na magdala ng tao sa kagustuhang magbago, lilipat galing sa pagkamakasarili patungo sa pagkamapagbigay.

Gaya ng nasabi na natin, trinato tayong lahat ng Lumikha gaya ng isa, magkasama-samang nilalang. Sinubukan nating abutin ang ating mga layunin sa makasariling paraan, pero sa kasalukuyan natuklasan natin na ang ating mga suliranin ay malulutas lamang sa pangkalahatan at mapagbigay na paraan. Kung naging lalong may malay-tao tayo sa ating pagkamakasarili (egoismo), lalong gugustuhin nating gamitin ang paraan ng Kabala para baguhin ang ating kalikasan sa altruismo. Hindi natin ginawa ito nang unang lumitaw ang Kabala pero maaaring magawa natin ito ngayon, dahil ngayon alam natin na kailangan natin ito.

Ang nakalipas na 5,000 taon na ebolusyon ng tao ay proseso na sinubukan ang isang paraan, sinusuri ang mga kaligayahan na dulot nito, naging disilusyon kasama nito at iniwanan ito para sa iba. Mga paraan ay dumating at lumisan, pero hindi tayo tumubong mas masaya. Ngayon na ang paraan ng Kabala ay lumitaw, ninais na baguhin ang pinakamataas na antas ng pagkamakasarili, hindi na kailangang dumaan pa tayo sa daan ng disilusyon. Maaari na nating baguhin sa simpleng paraan ang ating pinakamasamang pagkamakasarili sa pamamagitan ng Kabala, at ang lahat ng ibang mga pagwawasto ay susunod tulad ng epekto ng domino. Sa ganoon, habang sa pagwawastong ito, ating madama ang kaganapan, inspirasyon at saya.