Lahat ng bagay na ating ginawa sa buhay ay pinagpasyahan sa
prinsipyong kasiyahan at pighati.
Tayo ay tumakas sa pighati at naghabol ng kasiyahan. At ang mas
kakaunti na kailangan nating gawin para sa kasiyahan, ay mas
mabuti.
Ang prinsipyo ng kasiyahan at pighati ay dinikta ng hangarin
para tumanggap at ang hangarin para tumanggap ay namahala sa
lahat ng bagay na ginawa natin, dahil iyon ay ang ating diwa.
Kaya nga, habang iniisip natin na tayo ay mga malayang nilalang,
tayo ay totohanang nakagapos sa dalawang renda ng buhay, ang
kasiyahan at pighati, na hawak ng mga kamay ng ating
pagkamakasarili.
Apat na mga dahilang nagpasya kung sino tayo:
- ang Higaan (ang minana nating ayos pagbabagong genetiko),
- ang walang pagbabagong mga katangian ng Higaan (mga
katangiang nakabaon sa loob ng ayos pagbabagong iyon),
- mga katangiang nagbago sa pamamagitan ng mga lakas panlabas (mga
pagbabagong naimpluwensyahan ng kapaligiran na nasa ating mga
katangian), at
- mga pagbabago sa kapaligirang panlabas. Maaaring
maimpluwensyahan ang huling dahilan lamang, pero ang dahilang
iyon ay nakaimpluwensya ng lahat na ibang mga dahilan.
Paniniwalang Pumaibabaw ng Rason
At sa pagkakataong makalaya tayo sa hangarin para tumanggap,
mula sa mga kadena ng pagkamakasarili, tayo ay maaaring umabante
sa espiritwalidad. Para magawa iyon, tayo ay sumunod sa
prinsipyo ng "paniniwalang pumaibabaw ng rason."
"Paniniwala," sa Kabala, ay nangangahulugan ng buong pananaw sa
Lumikha. Tayo ay maaaring magtamo ng paniniwala sa pamamagitan
ng pagiging pareho ng Lumikha sa ating mga katangian, sa ating
mga hangarin, mga layunin, at mga pag-iisip. Ang salitang
"rason" ay naugnay sa ating isip, ang "kapatas" ng ating
pagkamakasarili. Para mapangibabawan ito, kailangan nating
bigyan ng halaga na ang pagiging magkatumbas sa Lumikha ay mas
importante, mas mahalaga sa atin kaysa kahit anong makasariling
kasiyahan na maaari nating akalain.
Gamitin ang Ating Kapaligiran Para sa Pagbabagong Mapagbigay
Sa antas personal, dinagdagan natin ang kahalagahan ng Lumikha
(pag-ibig sa kapwa) sa paggamit ng mga aklat ( o ibang anyo ng
mamamahayag), mga kaibigan, at ang guro na siyang magpakita sa
atin gaano kahalaga ang pagiging mapagbigay. Sa antas
panlipunan, subukan nating yakapin ang halagang mas mapagbigay
sa lipunan.
Gayon pa man, at ito ay mahalaga para sa tagumpay ng pagbabago,
ang pagyakap ng mga halagang mapagbigay ay kailangang
hindi lang
basta gawin para gagawing mas kawili-wili ang mundong ito. Ito
ay
kailangang gawin para pagpantayin ang ating mga sarili at ang
ating mga lipunan sa Kalikasan, ibig sabihin sa kaisa-isang
batas ng katotohanan—ang batas ng pag-ibig sa kapwa—ang Lumikha.
Kapag pinaligiran natin ang ating mga sarili sa mga kapaligirang
ito, bilang mga tao at bilang lipunan, ang ating mga halaga ay
unti-unting nagbago para sa mga halaga ng ating kapaligiran, sa
ganoon binago ang ating pagkamakasarili sa pag-ibig sa kapwa sa
likas, walang alinlangan, at kawili-wiling paraan.