Tutukan ang Hangarin, Hindi Ito Sugpuin
Mayroong limang antas ng ating mga hangarin, hinahati sa tatlong
grupo. Ang unang grupo ay mga hangaring panghayop (pagkain,
pagsusupling, at tirahan); ang pangalawa ay mga hangaring pantao
(kayamanan, karangalan, karunungan), at ang pangatlong grupo ay
ang hangaring espiritwal (ang "tuldok ng puso").
Habang ang dalawang nauunang grupo lamang ang aktibo, nagpasya
tayong "sugpuin" ang ating mga hangarin sa pamamagitan ng
kinaugaliang pamamaraan at sa pagpigil nila. Nang ang "tuldok ng
puso" ay lumitaw, ang naunang dalawang mga paraan ay hindi na
gumawa sa kanilang trabaho, at tayo ay naghanap ng ibang paraan.
Ito ay kung kailan ang kaalaman ng Kabala ay muling lumabas,
pagkatapos na maitago sa libu-libong taon, naghihintay sa oras
na ito ay kailanganin.
Ang kaalaman ng Kabala ay ang paraan para sa ating Tikkun (pagsasaayos).
Sa paggamit nito, maaari nating baguhin ang ating Kavana (pakay)
mula sa gustong bigyang kasiyahan ang sarili, na tinatawag
nating pagkamakasarili, sa gustong bigyang kasiyahan ang buong
Kalikasan, ang Lumikha, na tinatawag nating pagkamapagbigay.
Ang personal, panlipunan at pangmundong mga problema na dinanas
natin sa kasalukuyan ay totoong problema paano natin itutok ang
ating mga hangarin. Kapag gagamitin natin ang kaalaman ng Kabala
para pagbigyang kasiyahan ang huli, pinakadakilang kahilingan sa
lahat—ang hangarin sa espiritwalidad—lahat ng mga problema ay
malulutas kaagad, dahil ang kanilang ugat ay nasa
pagkawalang-kasiyahang espiritwal na dinanas ng marami.