kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Mula sa blog ni Rav Laitman

Kailan Matatapos ang Pampanalaping Krisis?

imageUlat Balita (from Safe Haven): Ang bear market ba ay natapos na? Abot-tanaw na ba ang bagong bull market? ...  gaya na wala sa mga dating "mga ibaba" mula Enero ay ANG ilalim, wala akong nakitang ebidensya na sa panahong ito na magsabi na ang ilalim ng Nobyembre ay nagmarka ng ANG ilalim ... tayo ngayon ay tumalakay sa K-wave winter at gusto kong ipaala-ala muli sa 'yo ang mga senyas na nangyayari sa panahong ito.

Aking Komentaryo: Ito ay mga kongklusyon ng isang ekonomista, pero ang mga kongklusyon ng isang Kabalista ay lalong kritikal: para matapos ang krisis, kailangang korektahin ito ng tao. Ang krisis ay isang sakit na tinawag pagkamakasarili. Para mapangibabawan ito, kailangan nating lunasin o ikorekta ang pagkamakasarili, baguhin ito sa pagkaloob at pag-ibig (ganap na altruismo). Dapat natin kahit papaano ay simulang ikorekta ito, kahit papaano simulang mapagwari-wari ang pangangailangan sa paggawa nito, o kahit papaano maghangad na makinig tungkol sa posibilidad na ito. Kahit na gawin natin ito sa laking ito, ang mundo ay magsisimulang lumipat sa krisis patungo sa kasaganaan.

Sa buong saklaw ng krisis makakatagpo tayo ng mga panahon na parang ang krisis ay tapos na, at simula tayong maghanap ng bagong makasariling mga pag-akyat sa iba't ibang bahagi ng ating buhay, kung naisaalang-alang na ang lahat, ang krisis ay may maraming mukha at bumabalot sa lahat ng bahagi ng ating buhay. Ang media ay matagal nang panahon nagsasalita ng mga krisis ng siyensya, edukasyon, pamilya, at iba pa.

Ang ating sitwasyon ay tulad sa mga salot sa Ehipto, na siyang sinundan ng mga panahong parang ang lahat na masasamang bagay ay tapos na, samantalang sa katotohanan ang mga panahong iyon ay paghahanda lamang para sa susunod na hampas. Sa gusto mo't hindi, pupwersahin tayo ng Kalikasan na maging integral na bahagi nito at kumilos sa mga batas ng optimal consumption at ganap na pagkakaisa, ayon sa alituntunin, "mula sa bawa't isa ayon sa kanyang kakayahan, para sa bawa't isa ayon sa kanyang pangangailangan." Subali't, ito ay hindi gagawing sapilitan, tulad sa Soviet experiment, kundi may-kamalayan. Talagang sa pagwawari-wari nito mararating natin ang ilalim ng krisis.

Ikaw Lamang ang Tanging Makatagpo ng Katotohanan

imageDalawang tanong na aking natanggap sa paghahanap ng katotohanan:

Tnong: Mayroon akong kaibigang nagsimulang mag-aral ng Kabala sa Bnei Baruch nguni't umalis dahil ikaw ay taong sinungaling (kahit papaano 'yon ang kanyang sinasabi). Para sa akin naisip kong siya ay nagparatang ng ganito dahil minsan ikaw ay magsabi ng taliwas na mga bagay. Subali't, sa bandang huli aking napagwari-wari na hindi kita nauunawaan o na ipinaliwanag mo ang bagay sa pinakamaiksing paraan. Nguni't ang iyong opinyon ay hindi pa rin klaro sa maraming bagay. 

Minsan sabihin mo ang isang bagay, at maya-maya ikaw ay tumaliwas sa iyong sarili, at ako ay makakaunawa paano ang aking kaibigan - na interesado sa Kabala at nakaunawang mayroong masyadong maraming katotohanan nito - natatagpuang mahirap mag-aral sa iyo. Kahit ako'y walang alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Ikalulugod kong marinig ang iyong tugon.

Aking Sagot: Hindi ko subukang itanggol ang aking sarili. Pakinggan mo ang mga paliwanag ng aking guro, Rabash (lahat ng mga recordings sa kanyang mga leksyon ay available online), at suriin: paano mo siya mauunawaan? Huwag kang makinig sa akin, kundi basahin ang original articles by Baal HaSulam  (na siyang ating pinag-aaralan), at sa halip ng aking mga paliwanag, subukan mong unawain ang mga ito sa iyong sarili.

Ang tao ay dapat pumili ng guro na akma sa kanyang personalidad, layunin, at iba pa, gaya ng sinulat, "Hayaan ang tao mag-aral sa lugar na ang kanyang puso ay makadama ng ligaya." Bakit posible para sa ibang mga lugar ng pag-aaral ang pag-iral? Ito ay dahil habang ang hangarin ng tao para sa Lalong Mataas na Lyunin ay hindi pa nagkaroon ng anyo sa loob niya, siya ay makadama ng paghihila sa layuning ito sa ibang mga paraan: sa pagkalas sa mundo, sa pamamagitan ng relihiyon, mga "espiritwal" na mga pagsasanay, mga diyeta, mga omen, at iba pa. Hindi tayo maaaring manghimasok nito, dahil ang tao ay kailangang dumaan sa pananaliksik para sa katotohanan sa kanyang sarili.

Kaya posible na ang iyong kaibigan ay nasa antas pa rin ng pananaliksik. Halimbawa, ilan sa mga taong dumating para mag-aral sa akin ay "dumadaan" lamang at sila sa bandang huli ay bumaling sa relihiyon.

Ako ay nagpapaliwanag ng mga bagay sa abot ng aking kaalaman, pagtatamo, at kakayahan sa pagpahayag kung ano ang aking nadama at napagwari-wari (sa puso at isip). Ang iyong mga paratang ay tapat, at sila ay dapat lumitaw sa estudyante habang siya ay nag-aaral ng Kabala, dahil lahat  ay nabuo sa pamamagitan ng pagsasama ng dalawang bagay na naglalaban: pagkamakasarili at Lumikha. Baka kailangan mo pang pag-aayusin ang mga bagay at posibleng maghanap para sa ibang lugar ng pag-aaral. Pero sa anumang paraan, ang katotohanan ay mabubunyag.

Tanong: Paano natin gawing "segurado" na ang mga pagtuturo ng Kabala na ating natanggap ay talagang Kabala? Dahil ito ay pinakamataas na antas ng kaalaman, paano masesegurado ng walang alam na siya ay tumatanggap ng totoong Kabala, at hindi "mistisismo"?  Paano ang taong walang alam ng Kabala sasalain ang mga pagtuturo para makasegurado na siya ay nasa tamang landas?

Aking Sagot: Huwag maniwala ninuman! Walang pagsasaalang-alang sa kung ano ang maaaring sabihin ninuman, siya ay maaaring taong sinungaling. At kung siya ay lalong mahusay magsalita at mapanghimok, siya ay maaaring lalong malaking taong sinungaling (o aktor).

Posible ding ang mabuti, matapat na tao ay nagsasabi mula sa kaibuturan ng kanyang puso, kundi siya ay simpleng nagkamali. Kaya sino ang iyong paniwalaan? Wala! Lahat ng bagay ay inayos sa paraang ito sa ating mundo na may layunin, para bigyan ang tao ng pagkakataon na hubugin ang kanyang sarili sa pagsasaliksik para sa katotohanan. Ang tao ay gumagawa nito talagang sa pamamagitan ng mga pagdududa, walang anumang pundasyon, paniniwala, o pag-asang inilagay sa sinumang tao. Ito ay tulad na siya ay nakabitin sa bangin, walang alam paano gawin ang susunod na hakbang.

Ikaw lamang ang tanging makatagpo ng katotohanan. Pero kung naniniwala ka na kung ano ang sinasabi ninuman, sa gayon hindi mo mapagwari-wari ang iyong sarili at mananatiling manika. Kung kaya, ang kakulangan ng pananalig at total disorientation ay magpupwersa ng iyong pagkamakasarili na bumaling sa Lumikha. Ito ang paraan na Siya ay nag-aakit sa atin sa Kanya!

Ang Mga Paaralan Ay Dapat Magturo ng Mga Bata Paano Maging Mga Tao

imageUlat Balita (from BBC News): Ang ulat mula [sa UK] pampamahalaang tagapayo Sir Jim Rose ... ay nanawagan para sa mga bata na matutong lalo tungkol sa kabutihan, kaligayahan at malusog na pamumuhay. ... Si Sir Jim ay nagmumungkahi ng lalong emphasis sa mga kasanayan sa buhay, kasama ang paggawa ng mga leksyon tungkol sa kabutihang emosyonal at kabutihang sosyal na sapilitang bahagi ng kurikulom.

Aking Komentaryo: Wala ni isang modernong sistema ng edukasyon ang gumagawa para likhain ang tao sa bata. Kahit mga magulang at mga guro ay hindi nakakaunawa na ito'y kailangang gawin ng ganito sa tumutubong tao. Kung ang bata ay iwanan sa gubat, siya ay mananatiling hayop. Ganoon din, kung sa simpleng paraan punuin natin siya ng kaalaman, siya ay magiging miserableng robot.

Ang pagpapalaki ng bata ay nangangahulugang turuan ang bata ng paraan na maging tao. Sa Hebreo, ang tao ay Adam, nagmumula sa salitang Domeh - katulad ng Lumikha. Ito ay sinulat na si Adam ay nilikha sa imahen at pagkakawangis ng Lumikha at sa gayon siya ay nagkasala at nahulog, nagtamo ng pagkamakasarili at naging salungat ng Lumikha.  Ngayon ang tao ay dapat maghanap ng daan ng koreksyon sa kanyang sarili at abutin ang kanyang inisyal na pagkapareho sa Lumikha - ang katangian ng pagkaloob at pag-ibig, ang tanging katangian ng Lumikha.

Tanong na aking natanggap: Ang aking tanong ay tungkol sa pangangailangan para sa regular na edukasyon. Nag-aaral kami ng aking anak sa bahay dahil kami ay talagang hindi nasisiyahan sa pamaraan ng mga paaralan. Pero baka mas lalong mabuti para sa aming anak na hindi na mag-aral at kusang magdibelop? At maya-maya, kung siya ay dumating sa edad ng mas mataas na paaralan, siya ay makakapagpasya anong propesyon ang gusto niyang puntahan?

Aking Sagot: Kailangang bigyan ang bata ng impormasyon tungkol sa mundo at anumang pundasyon na kanyang kailangan para malaman ang propesyon na kanyang pipiliin sa bandang huli. Ang Torah ay nagsasabi, "Ang taong hindi nagtuturo ng kanyang anak ng propesyon ay ginawa niya siyang bandito o magnanakaw." At sa karagdagan, kailangang samahan siya sa kanyang panloob na pag-unlad, para hubugin siya na maging tao.

Lahat na Kailangan Mong Malaman Tungkol sa 613 mga Hangarin

imageTanong na aking natanggap: Kung maaari po sana gumawa ka ng listahan ng lahat na 613 mga hangarin na umiiral sa tao, isa-isa.

Aking Sagot: Ganoon lang, gusto mong ilarawan ko sa 'yo ang lahat na 613 mga hangarin nang puspusan? Pero para ano? Wala ni kahit isa sa kanila ang umiiral sa 'yo ngayon! Sila ay ibunyag sa tao pagkatapos niyang tumawid sa Machsom, sa panahon ng kanyang espiritwal na pag-akyat. Ito ay ang kanyang mga hangaring makadama ng kasiyahan mula sa Lumikha, gaya ng sinulat, "Tikman at tingnan sa anong paraan mabuti ang Lumikha."

Sa pagbunyag ng Lumikha, simula mong madama Siya bilang 613 mga kasiyahan o kaligayahan. Una madama mo sila sa intensyong maaliw sa Kanya para sa iyong sariling kapakanan (ABYA ng Klipot), at sa gayon ayusin mo sila sa intensyon ng  "para sa Kanyang kapakanan." Ang ating lengguwahe ay hindi nagbibigay sa atin ng kakayahang ipahayag o ilarawan ang mga hangaring ito, dahil wala sila sa atin.

Ang Espiritwal na Daan ay Nilatagan ng mga Pagbaba Kasunod ang mga Pag-akyat

imageDalawang tanong na aking natanggap tungkol sa gawaing kasama ang espiritwal na mga pagbaba:

Tanong: Minsan, maranasan ko itong katakot-takot na pagdaramdam na lahat ng bagay sa buhay na ito (aking trabaho, pamilya, kalusugan, ang mundong aking tinitirhan) ay malapit nang gumuho, at ang pagdaramdam na ito ay nagbabago ng aking pananaw sa buhay. Paano natin gagamitin ang mga ganoong kalagayan?

Aking Sagot: Dapat mong simulan ang pag-uunawa na ang pagsilang ng bagong kalagayan ay nangyayari lamang sa pamamagitan ng daan na ito ng "mga pagbaba at mga pag-akyat.

"Tanong: Ano ang kahulugan ng "pagkahulog para umakyat"? Kung ang tao ay nagsisimulang gumawa ng mga bagay na hindi niya ginawa noon, ito ba ay pagbaba?

Aking Sagot: Kung ang tao studied Kabbalah sa kanyang malayang oras, sa gayon ito ay kaso ng lumaking pagkamakasarili. Ito ay sinulat, "Kung ang tao ay lalong mataas kaysa iba, ang kanyang pagkamakasarili ay lalong malaki kaysa kanila." Ito ay nagsasabi tungkol sa "pagkahulog para umakyat." Ito ang wastong proseso ng pagbunyag ng ating kalikasan! Ang pakinabang nito ay ang tao ay nangangailangan ng pinakamalaking hangarin para maabot ang Lumikha, at ito ang paraan paano ang ganoong hangarin ay malilikha. Ang panahong ito ay lilipas at susundan ng espiritwal na pag-akyat. Ito ay mapapalitan ng ibang pagbaba, at iba pa - dire-diretso hanggang sa kumpletong koreksyon, ang pinakamataas na antas.

The Evil Eye Is Our Own Egoism

imageTanong na aking natanggap: Ano ang "masamang mata"?

Aking Sagot: Kung ako ay tumitingin sa iba, ang aking pagkamakasarili ay nagsasariwa ng mga damdamin ng inggit, pagkamuhi, at hangarin para sa kapangyarihan. Ako ay hindi naghahangad ng mabuti para sa iba, o kahit papaano ako ay hindi gustong sila ay gagawa ng mas mabuti kaysa akin. Kung maghangad ako sa kanila ng kabutihan at gustong sila ay magtagumpay, sa gayon ito ay para lamang na makita ng lahat na ako ay lalong matagumpay.

Dahil tayong lahat ay nagkakaugnay-ugnay, ang "masamang mata" na ito o ang hangaring ito, ay nag-iimpluwensya sa iba. Ang ating buhay ay pruweba nito. Ito ang pinaliwanag ng aking gurong si Rabash. Ang ating mga hangarin ay nagtatrabaho para sa atin o laban sa atin, dahil tayo ay konektado sa iisang sistema. Ang ating mga hangarin ay "gumagala" sa loob ng sistemang ito, at hindi tayo makakaiwas sa ating impluwensya sa lahat at ang kanilang impluwensya sa atin. Ang ating pag-iisip para sa isa't isa at tungkol sa mundo bilang kabuuan ay nagbunga ng baldadong mundo at ng ating maysakit na lipunan.

Ang Laro Ay Seryosong Gawain

imageHalaw sa sanaysay ni Rabash “Tungkol sa Pag-ibig sa mga Kaibigan -1 (Katha 3, 1984):

Tayong lahat ay mga bahagi ng iisang buo, pero ang ating pagkamakasarili ay naghahati nito sa hiwalay, hindi kunektadong mga piraso. Sa paghahangad na isauli ang mga pira-pirasong ito, ako ay magkonekta sa lahat na naghahanap din ng pagkakaisa, at sa ating pagpupunyagi hinihila natin sa ating sarili ang lakas na gumagana sa buo. Ang lakas na ito ay magkokorekta sa atin at nagdidikit sa atin sama-sama. Sa paggawa nito tayo ay naging katulad sa Kalikasan.

Kung tayo ay nasa loob ng grupo ng mga taong naghahangad magkaisa, kailangang ipakita natin ang mapagmahal na pag-uugali sa mga kaibigan, kahit kung hindi talaga natin nadama ito. Tayo ay naglalaro laban sa isa't isa, at sama-sama tayo ay naglalaro laban sa ating pagkamakasarili. Kailangan nating gawin ang lahat na posible nating gawin para lituhin ang ating pagkamakasarili at lupigin ito. Ang laro ay hindi isang panlilinlang, kundi seryosong gawain na nagbibigay sa atin ng kakayahang magdibelop.

Kung Ikaw Ay Mayroong Lunas Para sa Naghihingalong Pasyente, Paano Mo Magagawang Nakatanga Lang?

imageTanong na aking natanggap: /Lagi mong sinasabi na ang Kabala ay para lamang sa mga taong gustong makinig at mag-aral, para sa mga taong naghangad na mabunyag ang Lumikha. Pero ngayon sabi mo na lahat ay kailangang makarinig tungkol nito, kahit kung sila ay hindi naghangad ng parehong bagay. Sa anong dahilang ang pagbabagong ito ng opinyon? Naiisip mo ba na dahil sa pandaigdig na pampanalaping krisis, kailangan natin ngayon na isali kahit sila na walang pakialam sa Kabala, o tungkol sa anumang bagay kundi ang kanilang makamundo, makasariling mga hangarin?

Aking Sagot: Hindi ako nag-iisip ng anumang bagay sa aking sarili. Ito ay sinulat ni Baal HaSulam, at ako ay sumusunod lamang sa kanyang mga alituntunin hanggang sa maaaring posible. Ako ay segurado na sa kaalamang ito lamang ang mundo ay makakapakinabang. At kung mayroon mang hindi sumang-ayon, hindi ko bibigyan ng konsiderasyon ang kanilang opinyon! Paano ko mabibigyan ng konsiderasyon ang mga opinyon ng mga taong hindi makakakita sa ibayo ng kanilang pagkamakasarili, hindi nakakaunawa ng pamamahala ng mundo, at hindi nakadama ng Lumikha at ng Kanyang mga gawain. Kung ikaw ay mayroong lunas para sa naghihingalong pasyente, paano mo magagawang nakatanga lang at hindi ibigay ito sa kanya?

Sa iyong opinyon, kanino makikinig ang mga tao kundi sa mga Kabalista? Ang pandaigdig na kalikasan ng krisis ay nagpapahiwatig na lahat  ay dapat makaalam tungkol sa dahilan para sa kanilang pighati. Ito talaga ang dahilan na ang Kabala ay ibinunyag ngayon. Tingnan ang mga sanaysay “Time to Act,” “Messiah’s Horn,” at iba pa.

Ang Pag-aaral sa Kabala Ay Kapaki-pakinabang, Kahit Para sa Iyong Kalusugan

imageIsang 15-taong pag-aaral sa Akita Prefecture ay nakatuklas ... na ang mga lalaking nagsabing mayroon silang dahilan para mabuhay ay mayroong 38% na mas lalong mababang panganib kaysa mga lalaking walang layunin. Sa karagdagan, ang panganib sa pagkamatay dahil sa stroke ay umabot sa 72% na mas lalong mababa para sa kanilang may dahilan para mabuhay... Ang mga resulta ay nagpapahiwatig na ang pagkaroon ng layunin at ligaya sa buhay ay makakapangibabaw sa naipahiwatig na panganib ng pagtitiis ng stroke dahilan ng stress, sabi ng grupo. Idinagdag nito na wala pa itong alam bakit mayroong ganoong kaibahan.

Aking Komentaryo: Kung mayroong layuning lumiliwanag para sa iyo sa malayo, ito ay tumutupad, nagdudulot ng enerhiya at bumubuhay sa iyo. Subali't, lahat ng ating mga layunin ay unti-unting maging walang halaga - may eksepsyon ng espiritwal, Lalong Mataas na Layunin. Kung kaya, ang pag-aaral ng Kabala ay kapaki-pakinabang, kahit para sa iyong kalusugan!

Ulat Balita (translated from expert.ru): “Sori, ang produktong ito ay pansamantalang out of stock.”  Ang mga bilihin ay naglalaho sa mga distribution facilities. Ito ay nangyayari dahil ang mga bangko ay hindi nagbibigay ng mga pautang  sa mga tagatustos at mga tagagawa. Dahil nililimitahan ng mga bangko ang credit lines, lahat ay naiwang walang puhunan. Samantala, ang mga tagatustos ay nangangailangan ng bayad bago sa pagpapadala.

Aking Komentaryo: Ang nag-iisang bagay na magbibigay sa atin ng kakayahang maunawaan paano ayusin ang ating buhay sa bago, nagkaisang mundo ay ang kaalaman tungkol sa pandaigdig na interaksyon, kaalaman ng mga batas ng saradong sistemang ito. Ang Kabala ay nagbibigay ng paliwanag na ito. Tanging ang kaalamang ito ang makakapagbigay ng mga tao ng enerhiyang para makipag-isa.

Krisis o Wala, Kailangan Nating Ipagkalat ang Kabala

imageTatlong tanong na aking natanggap sa pagkakalat ng kaalaman ng Kabala:

Tanong: Itinaguyod mo ang kahalagahan ng pagkakalat ng Kabala sa pagpapahayag sa madla sa pamamagitan ng Congresses at iba pang maaaring magamit na mga paraan. Ito ay parang dinagdagan mo ang iyong pagpupunyagi patungo sa layuning ito. Ang dahilan ba para sa  nakataas na matinding pangangailangan at mga pagpupunyagi ay nagmula sa personal na kaalaman ng napipinto at nakaambang mga hampas at sakuna na gusto mong ilayo at ayaw mo munang ibunyag sa amin?

Aking Sagot: Hindi ako gumagawa-gawa ng aking sarili. Pinapasa ko lang kung ano sinulat ng aking dakilang mga guro, Baal HaSulam at ang kanyang panganay na anak at kapalit, Rabash. Lahat ng aking sinasabi ay inuulit lamang ang mga pag-iisip na ipinahiwatig sa kanilang mga katha, na siyang pinag-aralan natin araw-araw.

Kung kaya kahit kung tayo ay hindi nakakasaksi ng krisis at ang mga tao ay hindi naghangad ng Kabala, ako gayunpaman ay nauubligang magkalat ng Kabala, ayon sa mga alituntunin ng aking mga guro. Lahat na ating nakikita ay nangangahulugan lamang na tulungan tayong magkalat ng Kabala - para ipakita sa atin ang pinakamabuti, pinakamagaling na paraan sa paggawa nito.

Tanong: Ako ay nakatira sa Amerika. Sa nakaraang isa't kalahating taon sinubukan kong ialay ang bawa't araw sa siyensya ng Kabala. Ako ay nagtatrabaho sa pampanalaping sektor. Ang mga Amerikano ay gumigising at naghahanap ng mga sagot. Paano ko sila sila bigyan ng pagpapaliwanag tungkol sa nangyayari na walang pagbabanggit ng Lumikha at Kabala, dahil ito ay nagtutulak sa kanilang pumalayo? Sa halip, maaari ko bang gamitin ang mga nosyon tulad ng mga batas ng kalikasan at iba pa?

Aking Sagot: Iyon talaga ang sinusubukan nating gawin. Dapat kang makipag-ugnayan sa our English Department para sa karagdagang kaalaman tungkol sa pagsali sa pagkakalat ng Kabala sa Amerika. Pagkatapos ng the February 2009 Congress, tayo ay nagpaplanong bumisita sa New York para simulan ang sunod-sunod na mga miting sa American mass media.

Tanong: Ang bawa't paraan ba ay katanggap-tanggap? Halimbawa, magagamit ba ng tao ang mass mailings gaya ng spam, na talagang hindi naaayon sa batas sa mangilan-ngilang mga bansa?

Aking Sagot: Wala akong alam gaano kabisa ang paraan na ito. Subali't, kung mayroon kang taong nasa kritikal na kalagayan, sa gayon wala kang pagpilian kundi gamitin ang anumang paraang posible para iligtas siya. Pagkatapos ng lahat, tayo ay hindi kumersyal na proyekto! Kung ang bagay ay kapaki-pakinabang, sa gayon ito ay dapat gawin.

Subali't, lahat ng mga tanong na ito ay dapat pagdesisyonan sa ating sentro. Kaya kung maaari po sana makipag-ugnayan ka sa ating Marketing Department Manager.

Siyempre, sa paraang personalan ako ay pabor sa paggamit ng mga paraang naaayon sa batas dahil ang batas ay sumasagisag kung anuman ang mga hangarin ng Lumikha sa itinakdang panahon.

Dapat Nating Lunasin ang Krisis sa Anumang Paraang Posible

imageTanong na aking natanggap: /Sa sanaysay, “Building the Future Society,” sa talata 18 ng seksyon 3, "Principles of the Future Society," si Baal HaSulam ay nagtala ng tatlong pangunahing simulain sa pagkakalat ng Kabala sa mundo:

1. Kasiyahan ng mga Hangarin; 2. Pruweba; 3. Sirkulasyon.

Sa iyong mga leksyon aking naintindihan na sa ating panahon ng pagdami ng krisis, ang paraan ng "Pruweba" ay ang pinakaakma. Pero ano ang iyong opinyon tungkol sa paraan ng "sirkulasyon" (pagkaantig at propaganda)? Kailangan ba ito para mapabilis ang pagkakalat ng Kabala?

Aking Sagot: Kung ang pag-usapan natin ay pasyenteng may nakamamatay na sakit, gagamitin natin ang anumang paraang posible para iligtas siya. Sa parehong paraan, kung tayo ay nasa sitwasyon na nagbabanta ng pag-iiral ng mundo, dapat nating gamitin ang anumang paraang posible para maiwasan ang pighati, pagkawasak at kamatayan. Subali't, sa ating kaso, sirkulasyon (pagkaantig at propaganda, gaya ng sinabi mo) ay dapat di-pilitang pagpapaliwanag ng katotohanang hindi tayo makakaligtas kung hindi gagamitin ang paraan ng Kabala. Ang pagkakalat ng Kabala ay dapat pangkalahatan, itinuon sa lahat sa halip ng partikular na mga indibidwal. Hindi natin maaaring subukang takutin ang mga tao para mapalapit nito, dahil para ang tao ay makakorekta sa kanyang sarili, kailangan niyang magkaroon ng kamalayan ng katotohanan.

Ang koreksyon ng pagkamakasarili ng tao (kalikasan ng tao) ay ang tanging ganap na sinadyang pagkilos na magagawa ng tao sa mundong ito, dahil ginawa niya ito sa pamamagitan ng pag-unawa at paghambing ng mundong ito sa mundong espiritwal. Lahat ng ibang mga pagkilos ay ginawa lamang mula sa pag-unawa ng tao sa makasariling mundo at maling pagtatamo, kung saan ang tao ay ganap na nasa ilalim ng sariling pagkamakasarili, tulad ng manika.

Kung kaya, ito ay sinulat tungkol sa mga taong hindi pa nakapagsimulang suriin ang kanilang kalikasan at paghambingin ito sa Lalong Mataas na Kalikasan: "Silang lahat ay katulad ng mga hayop." Ito ay dahil ang "Tao" (Adam) ay nangangahulugang “Para maging katulad sa Lumikha.” Ito din ay sinulat, "Gagawa tayo ng tao sa ating imahen at pagkakahawig" - mula sa simula. Pagkatapos nitong pagkawasak ng tao (ang  pagbagsak sa kasalanan) ay nangyari, at ito ang dapat nating korektahin.

Mga Misteryo ng Ating Persepsyon

imageUlat Balita (translated from inauka.ru): Si Dr. Y. Danilo mula sa Tactile Communication & Neurorehabilitation Lab ng University of Wisconsin, ay nag-uulat na isang device na tinawag TVS (Tactile-Vision Substitution System) ay nadibelop. Ito ay gumagana sa ganito:

Ang video camera ay pumapasa ng imahen sa computer, na siyang nagpapalit nito sa itim at puting imahen. Ang imaheng ito sa gayon ay inilipat sa flat matrix na inilagay sa dila ng taong bulag, na siyang tumatanggap sa imahen sa anyo ng electric impulses. Ang dila ay pumapasa ng signal sa utak, nagbibigay ng kakayahan sa taong bulag na makakita sa mga bagay na nakapaligid sa kanya at matagpuan ang kanyang daan paikot sa espasyo. Bilang resulta, ang taong talagang bulag ay makakakita sa kanyang kapaligiran. Makakalakad siya paikot, makakabasa, makakalaro ng Tic-Tac-Toe, at makakakilala ng mga mukha. Ito ay nagpapatunay sa paraan ng siyensya ng mga salita ng tanyag na mananaliksik, Paul Bach-y-Rita, na laging nagsasabi, "Tayo ay nakakakita sa utak, hindi sa mga mata."

Aking Komentaryo: Kung nabasa mo kung ano ang sinasabi ng siyensya ng Kabala tungkol sa persepsyon ng katotohanan simula ng ibunyag ni Adam ang Lalong Mataas na Katotohanan, malapit sa 6000 taon ang nakalipas, matutuklasan mo na ang mga Kabalista ay nakakaalam tungkol dito sa matagal nang panahon. Ginamit nila ang "panlabas na paningin" para mahulo at saliksikin ang Lalong Mataas na Mundo, na siyang nahulo sa "ating utak" talagang gaya ng mundong ito.

Ang susunod na siyentiikong pagkakatuklas sa paksa ng persepsyon ay maging ang ating utak ay detektor lamang samantalang ang persepsyon (pagdaramdam) ay hindi mangyayari sa utak, kundi sa labas nito, sa "hangarin." Ang hangarin ay walang kinalaman sa ating katawan at matatagpuan sa ibayo ng makamundong bagay. Mahulo natin ang lahat sa ating kaluluwa.