kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Kamangmangan Ay Hindi Lubos na Kaligayahan

Ang kasalukuyang kalagayan ng mundo ay nagtulak sa atin patungo sa mas mabuting pag-uunawa sa ating mga sarili at ng ating damayang responsibilidad sa bawa't isa.

Ang katotohanan ay, wala talaga tayong pakialam tungkol sa anumang bagay kung tayo ay hindi komportable. Tayo ay kailangang pukawin o gawing hindi komportable para kumilos sa ibang direksyon. Walang taong lumipat sa mas mabuting lugar na hindi muna nakadama ng masama sa lugar o sitwasyong kanilang kasalukuyang kinalalagyan. Tayong lahat ay nakaranas ng personal na krisis na, sa maraming antas, ay nagdala sa atin sa ibang lugar. Ang kawalan ng trabaho o relasyon na ganap na sumira sa atin, pero sa pananaw sa mga katatapos na pangyayari ay nagresulta na pinakamabuting bagay na nangyari sa atin.

Tayo ay naghangad ng kapayapaan. Ito ay ating kalikasan na maghanap sa mga bagay na ating makita na panatag at lumayo sa makapagdulot sa atin ng pighati. Habang tayo ay komportable, pikit ang ating mga mata sa mga pangyayari sa mundo at sa pighati ng iba. Gaya ng palaging sabi, ang kamangmangan ay lubos na kaligayahan. Sa kasalukuyan, subali't, ating napag-alaman na tayo ay hindi maaaring makaiwas sa kasalukuyang mga sitwasyon na nagngingitngit sa mga puso at isipan ng bawa't isa, na nagdulot ng takot at karamdamang walang katulong-tulong. Ang likas na tugon natin ay ang pagpikit sa ating mga mata at magkunwaring ito ay lalayo ay hindi na gumagana. Kahit saan tayo lumingon, kahit saan tayo pumunta, ito ay halata na ang pandaigdig na krisis ay nakaapekto sa bawa't isa. Hindi bale paano natin takpan ang ating mga ulo at lunurin ang ingay – panahon na para gumising at amuyin ang kape.

Ito ay naging halata na ang ating personal na kaligayahan ay nakadepende sa mas mahigit pa sa ating sariling pagpupunyagi. Tayo ngayon ay nakadepende sa ibang mga tao at mga lipunan sa buong mundo. Ang pagkakaugnay-ugnay na ito ay lumikha ng karamihan ng mga problema na mabilis na dumami kaysa paglagay ng tapal sa sistema. Pero ang tunay na problema ay matagpuan sa katotohanan na tayo ay hindi nakaintindi kung ano ang nangyayari sa loob ng lahat ng kabaliwang ito. Ano talaga ang nangyayari dito? Ang buhay ba ay gaya ng koleksyon ng mga pangyayari na magdala sa atin saan mang lugar o mayroon bang paraan sa kabaliwan? Gaya ng personal na krisis na magtulak sa atin na lumipat sa lalong masayang lugar, ang ating mga pandaigdig na sitwasyon ay paraan para pwersahin tayo na unawain na ang buhay ay mayroong layunin na mas malaki pa sa ating personal na kasiyahan.

Tayo ay namumuhay sa pinakamarubdob na panahon sa kasaysayan ng sangkatauhan. Ayon sa kaalaman ng Kabala, ang ating henerasyon ay nakadestinong makaunawa na ang lahat na mga trahedya ay nangyari lamang dahil sa katotohanang hindi natin naunawaan ang layunin ng ating pag-iiral. Ano ang layuning iyon? Ito ay ang pangibabawan ang mga hadlang ng pagkakahiwalay, kalayaan  at pag-iisa na siyang nakapaligid sa atin at matutong maging pandaigdig na lipunan ng tao, ang pamilya ng tao. Kailangan nating turuan ang ating mga sarili at ang ating mga anak paano maging kasama sa sistemang ito kung saan ang bawa't isa ay nangangalaga sa iba.

Matagal nang naunawaan ng tao na siya ay hindi maaaring umiral sa ating materyal na mundo kung wala ang mangilan-ngilang pangunahing kaalaman tungkol sa mga batas ng kalikasan, tungkol sa ano ang may silbi at mapaminsala sa mundo na nakapaligid sa kanya. Ang Kabala ay nagturo sa atin na ito ay kaparehong tunay sa mataas na antas ng Kalikasan na tayo ay walang kaalam-alam sa kasalukuyan, na tumutukoy sa pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bahagi ng sanlibutan. Ang sangkatauhan ay hindi maaaring umiral bilang pandaigdig, nakapilipit na organismo na siyang naging kung walang pag-uunawa ng mga batas at pamamahala ng Mas Mataas na Kalikasang ito. Ang siyensya ng Kabala ay nanaliksik sa Kalikasang ito sa libu-libong taon, at nagkaloob sa atin ng mga aklat-batayan at pamamaraan para pag-aralan ito sa ating sarili.

Habang sinimulan nating ibunyag na tayong lahat ay bahagi ng iisang pandaigdig na sistema, tayo ay magsimulang makaunawa ng mga batas ng Kalikasan ng namamahala sa atin. Sa pamamagitan ng pagbunyag na ito ay maaari nating makita ang bakit at para-ano ng kasalukuyang pagkabalisa ng mundo. Malayo sa pagiging lubos na kasiyahan, ang ating kamangmangan ay nagdala sa atin sa bangin ng kapinsalaan. Kasama ang ating bagong-natagpuang kaalaman, tayo ay maaaring maghandog ng harmonya at katatagan sa ating mundo. Ang pagpili ay nasa atin. Alin ba  sa mga ito: kamangmangan at kaguluhan, o kaalaman at buhay?