kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Mga Tanong na sinagut ni Rav Michael Laitman PhD--galing sa pakikipanayam alinsunod sa New Jersey's "Courier Post"

T: Bakit tinawag ang Kabbalah na siyensya at hindi relihiyon?

 

S: Tinawag siyang siyensya sapagkat ganon siya. Ang kaalaman ng Kabbalah nagsimula 5,000 taon ang nakalipas sa sinaunang Babel. Sa panahong iyon, ang buong sangkatauhan ay may ugnayan at sila ay nagkakaisa bilang isang bansa. Ang pagka-makasarili nagsimulang tumubo sa loob ng tao, sila'y naging mas palayuin ang damdamin, iyon ang nagpaunlad ng buong tanyag na istorya ng Tore ng Babel.

 

Ang gamot para sa iyon ay ang pamamaraan na natuklasan ng nag-iisang tao na nakilala natin sa ngayon bilang Abraham. Natuklasan niya ang paraan sa pakikipag-ugnayan muli ng mga tao sa kabila ng tumubong pagka-makasarili.

 

Ang pamamaraan na kanyang natuklasan ay pamaraang siyentipiko. Sa ibang salita, gumagamit iyon ng siyentipikong kasangkapang pananaliksik sa pagsisiyasat ng ating taglay na kagamitan at iyon ang tinawag natin ngayon na kaalaman ng Kabbalah. Ang Judaism, Christianity at Islam ay nahuling dumating kay sa kaalamang Kabbalah at talagang walang kaugnayan.

 

T: Puwede bang mag-aral ng Kabbalah kahit na isa-ugali ang relihiyon?

 

S: Oo, kahit sino pwedeng mag-aral ng Kabbalah. Talagang walang kaibahan kung ikaw ay kasapi sa isang relihiyon o hindi o ikaw ay ganap na sekular. Ang kaalaman ng Kabbalah ay higit pa sa lahat na iyon. Ito ay ganap na walang kaugnayan at ikaw ay pwedeng mag-aral nito sa kabila ng lahat ng maski anong karagdagang bagay na iyong ginawa sa buhay, hindi lang sa relihiyon, kundi sa iba pang pamamaraan ng paniniwala o nakagisnang gawain.

 

T: Mayroon bang kaibahan sa pagitan ng tunay na aral ng Kabbalah at sa palakad ng mga taong sikat kapareho ni Madonna?

 

S: Oo, mayroong malaking kaibahan. Unang una, sa pag-aaral ng tunay na Kabbalah, ikaw ay nangangailangan ng tunay na pinanggagalingan. Ang Kabbalah ay gumagamit ng limang batayan ng tunay na pinanggagalingan, iyon ay ang mga katha ni Abraham, The Book of Creation, at Moises, na nakilala natin ngayon bilang Pentateuch (kilala din sa tawag na Torah o ang limang pangunahing mga aklat ng Bibliya), sinundan ng Book of Zohar, mga katha galing kay Ari ang Banal, at Rabbi Yehuda Ashlag sa ika-20 siglo at ang kanyang mga katha. Samantala, ang mga katha ni  Ashlag ay ang pinaka-angkop para sa ating henerasyon para sa pagsusuri.

 

Sa karagdagan, ang Kabbalah ay isang pananaliksik. Ito'y katulad ng kahit aling siyensya. Walang bagay-- walang pulang tali, bendita, alin mang klaseng panghuhula, mistisismo, anteng-anteng--wala sa mga iyon ang naging kasali sa tunay na Kabbalah, maski ang meditasyon ay hindi kasali. Talagang ito ay wagas na pag-aaral ng katotohanan at pinag-ibayo ang iyong pananaw sa katotohanan, pinag-ibayo ang iyong kontrol sa kabuuan ng iyong buhay o buhay sa malawakang pananaw.

 

T: Pero mayroong ispiritualidad?

 

S: Oo, ang ispiritualidad ay aspeto iyan ng katotohanan na hindi napapansin ng ating limang ordinaryong pandama. Pinag-ibayo sa paraang simple, ng kaalaman ng Kabbalah ang iyong pananaw sa katotohanan. Ito'y nagbigay ng karagdagang sangkap na hindi ninyo makuha sa ibang paraan.

 

Katulad ng pisika na nagbigay sa iyo ng tiyak na sangkap, ang Kabbalah ay nagbigay  sa iyo ng ibang sangkap. Ikaw ay nangangailangan ng lahat na klase ng siyensya para makamit ang buong larawan ng katotohanan. Ang Kabbalah ay magdala sa iyo, sa sinasabi, likud ng eksena.

 

Ituring mo sa isipan ang burda. Makikita mo ang magandang larawan sa larangan, ng tanawin o bulaklak, at iba pa. Kapag baligtarin mo ang burda makikita mo ang buong kaguluhan ng mga sinulid. Kailangang malaman mo paano ang mga sinulid pinagdugtong para malaman kung paano ito gawing bulaklak na maganda sa larangan ng larawan. Iyon ang tinuturo ng Kabbalah, paano pinagdugtong ang mga sinulid nang lihim.

 

T: Paano baguhin ng Kabbalah ang isang buhay?

 

S: Kung simula mong makita ang mga lakas sa likud ng burda na ating pinag-usapan, simula mong makita kung paano ang lahat na mga sinulid ng iyong buhay ay pinagdugtong at simula mo ring malaman kung paano gawin ang mga dugtong na mas nakabubuti sa iyo, sa ganoong paraan hindi mo na magawa ang mga kamalian na sa ibang pagkakataon ay magagawa mo.

 

Inilagay nito ang bawat aspeto ng iyong buhay sa kaayusan. Halimbawa, sa pamilya, pinagtibay nito ang ugnayang pamilya; sa palagayan ng edukasyon, ito'y tumulong sa iyo na maintindihan mo ang iyong mga anak at tumulong sa iyo para mas maintindihan ka nang maigi ng iyong mga anak, ito'y pumigil sa mga problema katulad ng abuso ng droga, depresyon sapagkat simula mong maintindihan ang sangkatauhan at  manirahang may magandang ugnayan nito. Ang mundo ay hindi lang kalikasan; ito ay ang mga tao na nakapaligid sa iyo at ikaw mismo higit sa lahat. Ang Kabbalah ay pumayag na gawin mo iyon sa pansariling antas, panlipunang antas o pandaigdigang antas.

 

Halimbawa, ngayong araw na ito, hindi sekreto na mayroon tayong pandaigdigang pagdarahop. Makikita natin sa bawat aspeto ng buhay, simula sa klima at hanggang sa pansariling buhay natin, sa depresyon at mga sakit at anu-ano na lang, mayroon tayong pagdarahop sa bawat aspeto ng buhay. Ang Kabbalah ay umalok ng kalutasan sapagkat ito'y nagsabi sa iyo kung anong nangyari sa lihim at paano ikaw maaaring gumawa ng kaibahan doon. Sa kasalukuyan, higit pa sa ibang panahon ng historya, ang ihayag ang kaalaman ng Kabbalah ay kailangang-kailangan.

 

T: Sa ano iyon nahalintulad ang makipag-ugnayan sa Lumikha?

 

S: Iyon ay ugnayang pansarili. Iyon ay parang tumigil ka na sa pagmamahal para sa iyong sarili at makaranas ka ng bawat pagpapahalaga at pagmamahal ng iba. Ikaw ay maging konektado at may kaugnayan at maramdaman mo ang ibayo. Hindi lang na maramdaman mo iyon, talagang ikaw ay nasa ibayong oras, lugar at panukala. Para bang ikaw ay naging walang hanggan, sapagkat mayroon kang walang hanggang pandama. Ito'y magdala sa iyo sa dako saan gusto mo lang magbigay nang magbigay.

 

T: Iyon ba ang gusto mong ipamahagi sa ibang mga tao, sapagkat gusto mong ibigay sa kanila ang iyon ding karanasan?

 

S: Oo, talaga. Maranasan mo ang pagkakaisa ng kalikasan at katotohanan at gusto mong ipamahagi ito. At saka, hindi lang iyon pribilehiyo, sapagkat ang kabuuan ng sangkatauhan ay kailangang makarating sa dakong iyon kung saan lahat tayo ay makaranas ng pagkakaisang iyon. Tunay, ang krises na ating naranasan sa kasalukuyan ay di dumating nang kung walang dahilan. Nandiyan iyon para udyukin tayo na mag-isip tungkol sa buhay, upang malasin kung paano tayo gumawa ng pagkakaisa sa pamamagitan nito.