Ang Kabala ay di Pilosopiya
Sa sinaunang panahon, ang Kabala ay pumukaw sa mga may dakilang
pag-iisip para pumailanglang at hanapin ang kahulugan pero ang
sanga ng "pilosopiya," ay dagling pumihit sa ibang direksyon.
Malamang na isipin natin na ang mga Kabalista ay mga taong
solitaryo na nagtago sa malamlam, nilalawagan ng kandilang silid
at nagsusulat ng mga mahiwagang kasulatan. Sa gayon, hanggang sa
wakas ng ika-20 siglo, ang Kabala ay talaga ngang inilihim. Ang
lihim na paglapit sa Kabala ay nakapukaw ng maraming tsismis at
mga alamat na nakapaligid sa kanyang sariling katangian.
Bagama't karamihan sa mga tsismis ay di totoo, lumito pa rin ito
at nililigalig kahit ang mahigpit na mga palaisip.
Subali't ang Kabala ay di palaging sekreto. Sa totoo, ang mga
sinaunang Kabalista ay lantad na lantad hinggil sa kanilang
kaalaman, at sa gayun mang panahon ay nakikisangkot nang maigi
sa kani-kanilang samahan. Kadalasan, ang mga Kabalista ay ang
namumuno sa kanilang bayan. Sa lahat ng mga pinunong iyon, si
Haring David ay siyang pinakamabantog na halimbawa ng dakilang
Kabalista na isa ring dakilang pinuno.
Ang kinalaman ng mga Kabalista sa kani-kanilang lipunan ay
nakatulong sa kanilang mga kasalukuyang iskolar na pagyamanin
ang batayang sa ngayo'y tinatawag nating "Western philosophy,"
na pagkatapos ay naging batayan din ng makabagong siyensya. Sa
pasintabi, ito ang sinulat ni Johannes Reuchlin, isang taong
nagtataguyod ng kapakanan at kagalingang pantao, klasikong
iskolar at eksperto sa mga lumang wika at kaugalian, sa kanyang
aklat, De Arte Cabbalistica: "Ang aking guro, Pythagoras,
ama ng pilosopiya, kumuha ng kanyang pagtuturo sa mga Kabalista
... Siya ang unang nagsalin ng salitang, Kabbalah, lingid
sa kanyang mga alinsabay, tungo sa salitang Greko philosophy
... Hindi tayo pinanatiling mamuhay sa alikabok kundi inangat
ang ating pag-iisip sa sukdulan ng kaalaman ng Kabala.
Nguni't ang pilosopo ay hindi Kabalista. Dahilan sa hindi sila
nag-aaral ng Kabala, hindi nila maintindihang lubos ang
kaibuturan ng kaalamang Kabala. Ang naging resulta, ang kaalaman
na sana ay pinasibol at pakikitunguhan ng paraang tiyak ay
pinasibol at pinakikitunguhan ng hindi maayos na paraan. Nang
ang kaalamang Kabala ay nandayuhan sa iba't ibang pook ng mundo,
kung saan wala ring mga Kabalista sa mga panahong iyon, ito'y
napaiba din ng landas.
Sa gayon, ang sangkatauhan ay gumawa ng pansamantalang daanan.
Bagaman ang Western philosophy ay naglakip ng kabahagi ng
kaalamang Kabala, humantong ito sa pagtanggap ng
magkaibang-magkaiba na direksyon. Ang Western philosophy
ay nakalikha ng mga siyensyang nananaliksik sa ating mundong
panlupa na siyang mapaghulo natin sa ating limang sentido.
Nguni't ang Kabala ay isang siyensya na nag-aaral kung ano ang
nangyari sa ibayo yaong hindi nahuhulo ng ating mga
sentido. Ang pinagbagong pagpapahalaga ang siyang nagtulak ng
sangkatauhan na mapasalungat ang direksyon mula sa orihinal na
kaalaman na natamo ng mga Kabalista. Ang pagbabago ng direksyon
ay nagdala ng sangkatauhan sa pansamantalang daanan na siyang
sanhi sa pangkalahatang maling kuro-kuro kung ano talaga ang
Kabala.