kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Kabala Inihayag #1
Isang Pundamental na Buod

Panayam binigay para sa American television channel, Shalom TV
Anthony Kosinec
Hulyo 13, 2006

Hello at maligayang pagdating sa Kabala Inihayag.  Ako’y si Tony Kosinec.  Ako’y isa sa mga mag-aaral ni Rav Michael Laitman, na siyang pinakamalapit na alagad ni Rav Baruch Shalom HaLevi Ashlag, na siyang anak at pinakamalapit na alagad ni Rav Yehuda Ashlag-Baal HaSulam, mas kilala bilang “Ang Dalubhasa ng Hagdan,” siya na kilala bilang nakatataas na Kabalista ng ikadalawampung siglo.

Aking ipinamahagi sa iyo ang mga kredensiyal na iyon dahil may ganyang bagay tulad ng angkan ng pagtuturo sa loob ng Kabala.  Kami’y patuloy na magbibigay sa iyo ng isang perspektiba, hindi ng mga pantas, kundi ng mga nagpapraktis - mga tao na mga Kabalista. Sa serye na ito, ikaw ay hindi lang makakakuha ng buod ng tunay na Kabala, kundi pati ang mga susi - ang pundamental na mga kaisipan, ang mga paraan ng paglapit sa kaalamang ito upang ito ay magbukas sa iyo - dahil ito ay isang paraan ng pag-aaral, isang paraan ng pag-iisip, at isang paraan ng pagdama na napaka-iba mula sa ating karaniwan na pakiramdam sa mga bagay, at ito ay nangangailangan, tulad ng ginagawa ng alinmang kadalubhasaan, isang kasanayan ng mga pundamental.  Dito sa ating mga serye ng dalawampu o humigit kumulang na aralin, aming sasaklawan ang lahat ng mga bagay na mahalaga para sa iyo na malaman.

Tayo’y magsimula sa isang buod ng Kabala, dahil meron isang mahalagang bahagi ng pagkalito tungkol dito.  Diyan ay maraming impormasyon tungkol sa Kbbala na nakalabas diyan.   Meron mga, sa aking tingin, maaring isang libong mga libro sa isang taon ang inilathala sa paksa at halos lahat ay wala sa kanila ang mayroon man lamang na kinalaman sa Kabala; sila lamang ay mga uri ng halu-halong mga imahinasyon ng tao na kung ano ang kanilang maaring maisip dito, kung ano ba dapat ito, ang kanilang intuwisyon, kanilang imahinasyon, at ito ay hindi nila kasalanan.  Meron isang malaking pananabik para malaman kung ano ba ang tunay na Kabala dahil meron diyang isang pakiramdam na ito ay mahalaga, na ito’y makapangyarihan, at ito ay may pagka-unawa sa mga bagay na nakatago dito sa mundo.

Ito’y tinawag na “ang nakatagong siyensiya” sa tatlong kadahilan.  Una - Ito ay sadyang itinago ng mga nagpapraktis ng Kabala mismo, ng mga Kbbalista.  Ang Kabala ay nagsimula apat na libong taon ng nakalipas kasama si Abraham, sa mga taong 1947-1948 BCE (Bago sa karaniwang panahon).  Sa gayong yugto ng panahon - dalawang libong taon-hanggang sa simula ng karaniwang panahon, ang pagkawasak ng pangalawang templo, ito ay hindi nakatago, ito ay malawakang itinuturo.  Alam mo ba ang mga kwento ni Abraham, nakaupo sa tabi ng pinto ng kanyang tolda at malugod na tinatanggap ang mga manlalakbay na pumasok, at siya ay magpapakita ng kanyang mabuting pakikitungo.  Buweno, ang kanyang totoong ginagawa ay siya pala ay nagpapakain sa kanila at siya ay nagtuturo sa kanila tungkol sa kaalaman ng Kabala.  Ang mga uri ng kaluluwa na nabuhay sa panahong iyon sa mundong ito ay mas malinis at pino kaysa sa mga kaluluwa na nabubuhay ngayon at kanilang naiintindihan ito ng mas natural.

Ngunit isang bagay ang naganap sa simula ng karaniwang panahon, sa pagkawasak ng templo, na naging imposible para sa tao ng salinlahing iyon at para sa dalawang libong taon pang susunod na tunay na maintindihan ang anumang bagay sa Kabala.  Iyan ang bahagi kung saan naglabasan ang mga relihiyon; iyan ang bahagi kung saan naghulu-hulo tungkol sa kung paano tumakbo ang mundo, kung ano ba ang sandaigdig, kung sino ba ang Lumikha at iba pang gaya nito na nagpalago sa mga imahinasyon ng tao ayon sa isang tanging simulain na lumundag sa pinakaharapan na nasa loob ng isang tao at sa kanilang pag-unlad.  Ang katangiang ito sa loob ng tao ang humadlang sa kanila sa pag-unawa, kaya itinago ito ng mga Kabalista.

Kung ikaw ay walang daan sa mga bagay, meron ka pa ring mga libro.  Ang problema nito ay ito rin ay tinatawag na nakatagong kaalaman dahil ang mga libro mismo ay nasusulat sa isang tanging lengguwahe na hindi alam ng mga taong nagbabasa sa kanila.  Ang lahat ng mga libro ng Kabala ay nasusulat sa isang lengguwahe na tinatawag na “lengguwahe ng mga sanga” kung saan sila ay gumagamit ng mga salita mula sa ating mundo - mga bagay, kalis, libro, lamesa, pamilya, paglalakbay, digmaan - ang lahat ng mga bagay na ito na iyong nakikita sa limang mga libro ni Moises at ang lahat ng iba pang mga Kabalistikong libro, ngunit sila ay hindi nagsasalita sa anumang bagay dito sa mundo.  Wala ni isa sa mga salita anuman sa mga Kbbalistikong libro ay tumutukoy sa anumang bagay dito sa mundo.  Ito lamang ay tumutukoy sa mga kapangyarihan mula sa itaas, na lumilikha at nagbibigay-lakas sa mga bagay na nakikita dito sa mundo.

Ang mga Kabalista ay gumamit ng isang tanging lengguwahe na nagpapakita kung tungkol saan ang kanilang tunay na sinasabi, at tanging ang isang mag-aaral na siyang nagkamit ng isang tiyak na kaalaman ang may kakayahan na maintindihan at marinig ito sa ganyang paraan.  Ngayon kailangan mong maintindihan na ang mundo na ating tinitirhan ay hindi isang mundo ng mga sanhi - ito ay isang mundo ng mga kahihinatnan.  Diyan ay wala na tayong magagawa dito sa mundo na may anumang epekto ng kahit ano sa mundong ibabaw kung saan nanggaling ang ating pinagkukunan, kung saan ang mga bagay na ating nakikita dito sa mundo ay tumatangan sa kanilang mga ugat.  Walang pisikal na pagkilos ay may epekto dito at iyan ang dahilan na wala sa mga bagay na ating ginagawa sa hangaring malutas ang ating mga problema dito sa mundo na may anumang epekto ng kahit ano sa kanilang kalalabasan.  Tanging isang koneksiyon sa mga pinag-ugatan, sa pangunahing antas ng mga bagay, ang maaaring maka-epekto ng kahit ano at ito ang tinutunguhan ng Kabala.

[gumuguhit]

Ang ating mundo sa pangkalahatan ay ginawa sa ganyang paraan na mayroong isang mundo na namamalagi sa itaas, na aming sinabi, at isang mundo na namamalagi sa ibaba.  Ang lengguwahe ng mga sanga ay tumutukoy sa kung ano ang nabubuhay sa mundo sa ibaba.  Ito ay nagsasabi tungkol sa bagay na ito, ating sasabihin “isang pamilya”, ikaý makakabasa tungkol dito sa Torah. Ang Torah ay lumalabas na kwento hinggil sa mga taong Hudyo. Buweno, ang isang pamilya ay lilipat sa isang lugar na tinatawag na “isang lupa,” ngunit ang mga Kabalista ay hindi nagsasalita tungkol dito o sa anuman.  Sila ay nagsasalita tungkol sa mga mahirap na unawain na mga kapangyarihan sa itaas, na tunay na lumilikha sa mga bagay na ito at nagpapaganap sa kanila.  Tanging ang isang matalinong mag-aaral ang makakaintindi kung ano ang tunay na nangyayari dito.  [Tumutukoy sa ginuhit]  Ito ang antas ng sanga, at ito ay ang antas ng ugat. Maliban kung ang isang tao ay matututo kung paano magbasa at umintindi sa susi ng lengguwaheng ito na tinatawag na “lengguwahe ng mga sanga,” sila ay patuloy na makakakita sa mga bagay katulad kung paano sila nabubuhay dito sa mundo.

Bilang resulta ng dalawang bahaging iyon ng pagkakatago ng Kabala at dahil sa isang kakulangan ng pagkakadikit sa angkan ng pagtuturo at sa tunay na pamamaraan, ang tao ay kailangan pa ring malaman, ngunit kailangan nilang magpantasiya, kailangan nilang gawing halu-halo ang mga bagay, at sila ay napunta alinsunod sa kung ano ang kanilang maiintindihan na wala ang tamang pagtuturo at wala ang wastong panloobang katangian na magpapahintulot sa kanila para maintindihan ito.

Maraming alamat ang lumaki na, at tayo ay tutungo sa mga ito sa mas maliit pang detalye kapag tayo ay nag-usap na tungkol sa ibang mga pundamental na kaisipan ng Kabala.  Halos dalawa sa mga mahalaga na ang Kabala ay Mistisimo ng mga Hudyo.  Buweno, ito alinman ay hindi isang relihiyon o ito ay mistisismo.  Ang Kabala ay mas una pa sa relihiyon.  Ang relihiyon ay isang katangi-tanging pangyayari ng pagkakalayo mula sa kapangyarihan sa Itaas, ng paghuhulo-hulo, at isang hindi pagkakaintindi ng Kabala, kahit na ito ay may pormal na pagkakapareho dito dahil ang mga Kabalista ay lumikha ng Halacha, sila ay lumikha ng mga libro na ating pinag-aaralan at tinuturing na mga banal na libro.  Ang ating mga tradisyon at iba pa ay nagmula sa kanila, ngunit ang kanilang layunin, ang kahulugan nila, kung para saan ang mga libro ay totoong nasusulat at kung ano ang kanilang sinasabi; tayo ay hindi labis na magaling sa pakikipag-ugnayan sa mga ito.  Ang kaugnayan sa Hudaismo ay parang Kabala at pagkalimot.

Kasing layo kung saan ang mistisismo ay tumutungo, ang Kabala ay isang siyensya, ito ay hindi mistisismo.  Ito ay isang paraan ng pagkakaroon ng isang pinakadirektang koneksiyon sa mga bagay na animo sa atin ay salamangka at di-maarok dahil tayo lamang, sa ating kasalukuyang kalagayan ng pagkabatid, ay hindi makaintindi kung paano sila kumikilos.  Ito’y kaparehas kung ikaw ay nagdala ng isang panindi sa isang tribu na nabuhay sa isang ilang na pulo na hindi kailanman nakakita ng kahit anong teknolohiya sa kung anumang paraan; ikaw ay magiging diyos ng apoy, isang kakaibang nilalang na kayang makagawa ng apoy mula sa kanyang kamay. Ito’y sa isang paraang payak ng isang bagay na kung ano ang nakatago at kung ano ang inihayag.

Na  ito’y salamangka?  Buweno, ang salamangka ay nagpapakahulugan sa paggamit ng nakatagong kapangyarihan sa itaas sa hangaring hawakan ang tao para makuha kung ano ang nais niya at para magdulot ng tiyak na bunga para sa kanyang pakinabang o laban sa ibang tao at iba pang gaya nito.  Ngunit ito ay imposible na makagawa ng anumang ugnayan sa mga Kapangyarihan Sa Itaas sa anumang paraan maliban kung ang isang tao ay magbabago ng kanilang panloob na asal sa kanyang likas na pagkatao.  Ang pagtatamo sa loob ng Kabala ay isang bagay ng panloob na pagbabago at ito ay imposible na magkaroon ng ugnayan sa mga puwersa pag wala iyan.  Ito ay sa paraang payak ay walang kaugnayan sa kahit ano maliban sa isang taong malinaw na malinaw na imahinasyon.

Kaunti lamang na tao ang pinahintulutan para mag-aral ng Kabala at diyan ay may mga kondisyon, ang mga kondisyon ay ikaw dapat ay Hudeyo.  Ito ay hindi totoo, dahil ang mga Kabalista matagal na ay nagturo sa mga tao na hindi Hudeyo batay sa kapanganakan.  Ang ilan sa mga dakilang mga Kabalista, sa katunayan, ay mga hentil - mga tao mula sa ibang bansa kagaya ni Ancholos , Rabbi Akiva, at ang listahan ay umakyat pa.  Ang lahat ng mga Kabalista ay kumuha ng mga karapat-dapat na mag-aaral, hindi batay sa isang uri ng pisikal na katangian, kundi sa isang panloob na katangian na tinatawag na “Yechud,” at aming ipapaliwanag ito maya-maya lang.

Na ikaw dapat  ay nagpaka-dalubhasa sa paunang kaalaman - Gmarrah, Mishna at iba pang gaya nito - bago ka makapag-aral ng Kabala ng mabuti.  Kung hindi mo maintindihan kung ano ang nasusulat sa Torah o Gmarrah, kung gayon hindi mo rin maiintindihan ang Kabala alinman.
Hindi naman na kailangan mo itong mga paunang kaalaman, ito’y kapag hindi mo mahanap ang kabanalan sa mga paunang kaalaman na ito, kailangan mong tumungo sa mga libro na nagsasabi ng direkta tungkol sa kabanalan sa isang paraan na hindi sila mapagkakamali sa mga bagay dito sa mundo, kaparis ng lengguwahe kung saan ang Torah ay nasusulat, o sa lengguwahe  ng mga salaysay, Haggadah, at iba pang gaya nito.

Agimat at pagsasang-galang, at ang paggamit ng mga letra at pag-impluwensiya sa numero sa hangaring para lumikha ng bagay at para magsanggalang sa tao mula sa kasamaan… Buweno, ito ay ang buo at lubos na kabaligtaran kung ano ang tinutukoy ng Kabala.  Sa katunayan, ito ay lubos na ipinagbabawal.  Ito’y maituturing na pagsamba sa mga diyus-diyusan na ang isang tao ay dapat gamitin ang mga Kapangyarihan sa Itaas para sa alinmang sakim, pansariling dahilan dito.  Maliban diyan, doon ay walang dapat ipagsanggalang pa.  Kaya ang bindita, agimat, pulang hilo at iba pang gaya nito ay mga pangkaisipan na mga bagay at sila ay lubos na walang kinalaman sa Kabala.

Sa huli, diyan ay ang pagkakahalo ng Kabala sa silanganing relihiyon.  Yamang wala tayong alam sa anumang bagay, tayo ay gumawa ng isang kaugnayan sa Budhismo o sa mga bahagi ng Hinduismo na nakikitungo nang hayagan sa kabanalan, at iyan lamang ay dahil ang kabanalan mula sa mga libro ng mga Kabalista ay hindi bukas.

Gayon pa man, iyan ay nagbago.  Simula noong 1995, ang lahat ng mga libro ng Kabala ay nabuksan.  Ang tanging kailangan para sa Kabala, para matanggap bilang isang mag-aaral, at upang ikaw ay dapat makaramdam na ika’y ligtas at nakagiginhawa sa pagtingin sa Kabala at paghahanap ng bagay na iyong kailangan - ang tanging kailangan para sa Kabala ay dapat ikaw ay may pangangailangan dito.  Na ang mga kasagutan na kung bakit nangyayari ang mga bagay at sa kahulugan ng iyong buhay at ang iyong papel rito - kung ang mga bagay na ito ay hindi masasagot kahit saan man, iyan ang kailangan.  At ang lahat ng mga dakilang Kabalista ay nagsabi man.

Mula sa panahon ng Ari pasulong, sinabi niya na ang tanging kailangan ay ang pagnanais.  Si Rav Kook, na siya mismo ay isang dakilang Kabalista at kahit na ang Puno ng mga Rabbi sa Herusalem, nang siya ay tinanong kung sino ang maaring mag-aral ng Kabala, sinabi niya ang bawat isa.  Dahil dito, ito’y hindi ganyan.

Sa huli, ang aking paborito na kapag ikaw ay nag-aral ng Kabala ika’y mahihibang.  Ito ay aking paborito dahil ito’y kaparis ng lahat ng iba, ito’y sadyang paraan ng pagpapakita ng mga bagay.  Diyan ay may mga uri ng panloob na pagbabago na pinagdadaanan ng isang tao ng dahil sa pagtatamo sa Kabala, ng sa pagkakaintindi at kaugnayan sa katotohanan, ang kagalakan na kanilang nakukuha, ang pinanggalingan ng kagalakan na kanilang nakuha ay iba mula sa normal na paraan ng pag-iisip.  Ito’y kabaligtaran dahil ito ay ang uri ng pag-iisip na nabubuhay sa espiritwal na mundo.  Kaya sa isang tao na may isang baligtad na layon galing sa kabanalan, ang isang tao ay maaring lalabas na hibang, ngunit hindi talaga.

Ang pangatlong dahilan na ang Kabala ay tinatawag na “ang nakatagong siyensya” ay dahil ito ay may kinalaman sa kung ano ang nakatago mula sa ating limang pandama.  Ito ay sumasagot sa katanungan na hindi masasagot sa kahit anong ibang paraan.  Ito ay sumasagot, sa pinakamahalaga,  “Ano ang kahulugan ng aking buhay?”  Ito ay isang malalim at malubhang katanungan, dahil ang isang tao na mayroong tanong na ganito at hindi mahanap ang kasagutan sa kung ano ang sinasabi ng kanilang kaugalian, sa kung ano ang sinasabi ng kanilang siyensya, sa kung ano ang sinasabi ng sining at panitikan sa kanila, sa kung ano ang sinasabi ng sikolohiya sa isang tao na simpleng hindi makuntento sa kahit anung bagay kundi ang sagot sa katanungang ito, “Ano ang kahulugan ng aking buhay?” ay isang taong handa na para makaramdam sa labas ng limang pandama.

[nagsimulang gumuhit]

Ang mga libro ng Kabala ay nagsasabi sa atin na tayo ay nabubuhay sa kabuuan ng mundo.  Diyan ay may isang kabuuan ng mundo at iyan ay kung saan tayo ay tunay na nabubuhay, maliban na tayo ay walang pakiramdam dito.  Tayo ay may isang ganap na limitadong pakiramdam ng kung ano tayo talaga at kung nasaan tayo, lalo pang ganyan kapag hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa susunod na sandali ng ating buhay.  Hindi natin alam kung bakit nangyayari ang mga bagay, kung kailan sila nangyayari, kung saan tayo nanggaling, kung nasaan tayo at kung saan tayo papunta. 

[patuloy na gumuguhit]

Diyan ay may umiiral na isang kumpleto at buong mundo at ang mundong ito ay hinati at binawasan sa isang sistema na tinatawag na “mga mundo.”  Sa pamamagitan ng limang mundo, ang kumpletong mundo, isang walang katapusang Liwanag, ay naging mababa sa isang liwanag na kung saan maari nating makita.  [tumutukoy sa ginuhit] Ang unang mundo ay tinatawag na “ang mundo ng Adam Kadmon,” and susunod na mundo ay Atzilut, ang sumunod ay Beria, pagkatapos ang mundo ng Yetzira, at pagkatapos Assiya.  Ikaw ay maaring mag-isip sa mga ito na parang mga antas ng pagka-alam, pagkakalapit o pagkakalayo katulad ng pagbaba nito mula sa kumpletong mundo, mula sa kaugnayan at pagkabatid dito, hanggang sa huli ating maaabot ang isang antas ng pagkakahiwalay na tinatawag na “ang Machsom” o “ang hangganan” [ang Machsom ay Hagganan sa Hebreo].

Ito ang mga espiritwal na mundo.  Sa ibaba ng hangganang ito ay ang ating mundo.  Dito, tayo ay lubos na walang pakiramdam ng mga espiritwal na mundo, na lugar kung saan talaga tayo nabubuhay at kung saan tayo nanggaling.  Dito tayo ay may limitadong pakiramdam na tinatawag na mga “korporal” o “pisikal.”  Itong kumpletong Liwanag at ang kabuuan ng mundo, na kung saan, kung alam natin na ito ay kaugnay dito, makakayanan nating ituwid ang ating kapalaran, matitigil natin ang ating mga pagkakamali, ating maiintindihan ang mga kapangyarihan na gumagabay sa atin, at tayo ay magiging konektado sa kanila sa isang antas na ating makakaya na mamuhay sa buhay sa pinakabuuan nito at para sa pakinabang ng lahat ng buhay.

[patuloy na gumuguhit]

Gayunman, katulad ng Kabala na naitago mula sa atin, ganun din ang kapangyarihang ito - ang kumpletong mundo - na sadyang tinago mula sa atin, pinaliit sa pamamagitan ng mga antas na ito, sa pamamagitan ng mga paraan ng 125 na baitang patungo sa mundong ito.  Kung ano ang kabuluhan ng Kabala ay para magpahintulot sa isang tao para hanapin ang kanyang mga baitang mula sa pagbaba dito sa mundo pabalik sa pamamagitan ng 125 na mga baitang, papunta sa ating pinag-ugatan sa espiritwal na mundo, ang ating pinagmulan at koneksiyon sa kabuuan ng mundo.             

Ang dapat natin gawin para makamtam iyan, itong mapagkawanggawang kapangyarihan na ating tinatawag na “ang Lumikha” ay sadyang lumikha ng isang sistema para sa atin.  Sa madaling salita, ang mapa ng paglikha ay hindi ang katapusan ng paglilikha - ito ang kalagitnaang bahagi; ito’y isang proseso na kung saan tayo ay bumaba mula sa ating pinag-ugatan sa epiritwal na mundo patungo sa kalagayan natin ngayon sa paraan para matupad ang plano ng paglilikha, para pagkabitin uli sa kabuuan ng mundo.

Ang lahat ng mga libro ng Kabala, kasama ang ating Torah, Mishna at Gmarrah, ay nagsasalita lamang tungkol sa mga kalagayan na makikita sa mga antas na ito, kapwa ang pagkabawas katulad ng pagkahulog ng ating kaluluwa mula sa kumpletong kaugnayan, at ng mga kalagayan na ating nakita sa pag-akyat pabalik.  Ang pamamaraan ng Kabala ay isang paraan na kung saan ang isang tao ay makakapagsimula na makaramdam at makapasok sa epiritwal na mundo.

Ngayon, sa hangaring para magawa iyan, ang isang tao ay kailangang maturuan kung sa ano sila gawa, ano ba ito na humaharang sa kanila mula sa pagpasok sa mundong ito, at kung paano sila makakakuha ng isang pakiramdam na espiritwal muli. Ito ay nangangailangan ng isang tanging materyal, napaka-direkta na ginawa para sa hangarin ng pagpapahintulot sa isang tao na makapasok sa espiritwal na mundo.

Ang mga libro ng Kabala ay nasusulat sa isang lengguwahe ng mga sanga at sila ay napakahirap para sa atin na maintindihan.  Ito ay walang pagtataka na tayo ay may labis na kahirapan sa paggamit sa kanila sa pang-ibabaw na antas para matutunan ang anuman tungkol sa kung paano tayo makakapasok sa mas mataas na mundo.  Ngunit ang isang malaking regalo ng Kabala ay sa ating henerasyon, simula 1995 nang ang kaalaman ay binuksan sa mundo sa pangkabuuan at para sa mga tunay na nangangailangan nito, mga natatanging libro ay inihanda para sa atin.  Ang mga librong ito ay naisulat, mga komentaryo na sinulat ni Baal HaSulam at ni Rabash, kanyang anak at kanyang disipulo, na sa unang pagkakataon ay hindi sinulat para sa mga Kabalista na nasa espiritwal na mundo na.  Sila ay sinulat para sa mga tao na nagnanais na makapasok sa espiritwal na mundo.  Sila ay sinulat sa isang tanging lengguwahe na nagpapahintulot sa isang tao na makakakamit ng isang hakbang sa unang baitang ng hagdan.

Ito’y mula sa mga librong ito, sa mga aralin na darating pa, na tayo ay kukuha ng ating mga pagkukunan.  Tayo ay mag-uusisa sa kung ano ang katangian ng nagpapanatili sa atin sa labas ng espiritwal na mundo, ano ba ito na nagpapahintulot sa atin na pumasok sa espiritwal na mundo, ang pamamaraan na inihayag sa siyensya ng Kabala sa pamamagitan ng mga likha ni Baal HaSulam.

Ang Kaalaman ng Kabala ay nagtuturo ng praktikal ng pamamaraan ng pagkakamit sa mas Mataas na mga Mundo at ang pinagmulan ng ating buhay. Sa pamamagitan ng pag-uunawa sa ating tunay na layunin sa buhay, ang tao ay nagkakamit ng kawastuhan, katahimikan, walang hanggang kasiyahan habang nabubuhay pa rin dito sa mundo. – Rav Michael Laitman, PHD

Saluhan ninyo kami sa susunod na linggo sa pagsisimula ng nakakatuwang paglalakbay.