10 Kathang-Isip Tungkol sa Kabala
Kathang-Isip #1: Ang Kabala ay relihiyon.
Katotohanan: Ang Kabala ay siyensya - ang pisika ng
pangkalahatang realidad. Ito ay karunungan na naghahayag ng
pangmalawakang realidad na karaniwan ay lingid sa ating mga
ulirat.
Kathang-Isip #2. Ang Kabala ay nai-ugnay sa mga hilong pula at
bendita.
Katotohanan: Walang kaugnayan. Mga hilong pula, bendita at iba
pang mga produkto ay mga imbensyong nakapagbibigay yaman na
nilikha sa nakalipas na dalawang dekada.
Kathang-Isip #3: Ang Kabala ay inilaan para sa kakaunting grupo
ng mga tao at pawang lalaki lamang na nag-edad ng mahigit sa 40
ang pinahintulutang mag-aral nito.
Katotohanan: Nang nasa-estadong taboy, ang Kabala ay
pinag-aralan lamang ng kakaunti at piling-pili na mga tao.
Gayunman, sa kapanahunan ni Ari (siglo ika-16), pwede na itong
pakinabangan ng lahat.
Kathang-Isip #4: Ang Kabala ay nai-ugnay sa mahiko.
Katotohanan: Ang Kabala ay walang kaugnayan sa mahiko o anumang
ibang pangkukulam; wari ito ay nai-ugnay sa praktikal na
pag-iimbestiga ng realidad.
Kathang-Isip #5: Ang Kabala ay sekta.
Katotohanan: Ang Kabala ay dunong at siyensya na bukas para sa
lahat ng tao at walang limitasyon.
Kathang-Isip #6. Ang Kabala ay nai-ugnay sa "New Age" at isang
kalakaran - bagay na lilipas.
Katotohanan: Ang Kabala ay pinakalumang dunong ng sangkatauhan.
Ang kanyang simula ay mahigit-kumulang 5,000 na taon ang
nakalipas.
Kathang-Isip #7. Ang Kabala ay nai-ugnay sa Tarot kard,
astrolohiya at numerolohiya.
Katotohanan: Ang Tarot kard, astrolohiya at numerolohiya ay mga
pinagkaugaliang mistiko na sa pagkakamali ay naisama sa Kabala
sa loob ng sandaang taon ang nakalipas.
Kathang-Isip #8. Mayroong anting-anting ang Kabala.
Katotohanan: Sa ating mundo, walang mga bagay na pisikal na
nagkaroon ng anumang laman na espiritwal. Ang mga anting-anting
ay nakakatulong sa tao bilang suportang pangkaisipan.
Kathang-Isip #9. Ang Kabala ay nasangkot sa meditasyon.
Katotohanan: Ang kabala ay hindi nasangkot sa meditasyon. Ang
meditasyon ay ibang elemento na naikabit sa salitang "Kabala" sa
gitna ng kaguluhan sa iilang mga siglong nakalipas ng mga
di-Kabalista.
Kathang-Isip #10. Kailangan munang mag-aral ng Torah at Talmud
bago lumapit sa Kabala.
Katotohanan: Kung wala ang Kabala, hindi maaaring maintindihan
ang espiritwal na kahulugan ng mga tekstong ito at mamalagi sa
isip na ang mga ito ay tumutukoy sa mga pisikal na mga
pangyayari at mga gawa.