kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Batas ng Pag-ibig

Ang batas ng pagkapareho ng anyo ay nagpasiya na ang pagiging malapit sa Lumikha sa mundong espiritwal, kailangan lamang natin ang maging kapareho Siya sa ating mga katangian.

Gaano kaakit-akit ang mundo na ating tinirhan! Ako at ikaw ay maaring isang yarda lamang ang layo, nag-uusap, nagtinginan, nagkinigan, at kahit marahil ay nag-amoyan sa bawa't isa. Gayunman, wala akong alam kung ano ang iyong iniisip at ano talaga ang iyong gusto. Wala akong alam kung saan "talaga" ka. Marahil sa mga sandaling ito ikaw ay nag-isip ng isang taong nanirahan sa ibang lugar, o kahit sa ibang panahon. Marahil ikaw ay nag-isip ng isang taong nabuhay at namatay maraming taon na ang nakalipas sa Australya?

Ito ay bukang-bibig na dala ng magkasintahan ang bawa''t isa saan man sila pumunta. Halos matapat, ang taong umiibig ay ang pinakamayamot na tao na maging kausap: sila marahil ay kaharap mo, pero ang kanilang isipan ay palaging nasa kanilang kahanga-hanga/kaibig-ibig/matalino (kumuha ka o dagdagan mo) iniibig.

Kung, sa anong paraan, ikaw ay magtanong kung sino ang nakaupong katabi ko sa umagang ito sa panahong kalahating-oras na biyahe ng tren papuntang trabaho, o kung sino ang nakatayong katabi ko kagabi, habang ako ay nakapilang bumili ng tiket sa sine, ako ay seguradong lubos na walang matandaan. Ito ay dahil habang nakapila, o nakasakay sa tren, ang aking isip ay napunta sa ibang mga lugar, panahon at paksa.

Konklusyon: Ang distansyang pisikal o ang kalapitan ay hindi ating distansyang panloob o kalapitan. Tayo ay namuno ng buhay panloob, nag-isip, dumama, at gumunita kung ano ang malapit sa atin, ano talaga ang ating gusto.

Natural na Pagkapareho

Kung tingnan natin ang batas ng pagkapareho ng anyo sa pamamahala nito sa kalikasan, ating makita na ang pinag-usapan natin kamakailan lang ay hindi bago. Tayo ay may kakayahang tiktikan lamang ang kayang maunawaan ng ating mga instrumentong pang-unawa.

Ang mata ng tao, halimbawa, ay kayang tumanggap lamang sa pamamagitan ng pagkapareho ng anyo. Ito ay ginawa na tumanggap ng partikular na haba ng daluyong sa pagitan ng mga kulay murado at pula, at ito ang dahilan na hindi natin kayang makita ang mas mababang haba ng daluyong kaysa murado sa ating mata lamang, tulad ng ultrabiyoleta. Ang bubuyog, sa isang panig, ay may kayang makakita ng ultrabiyoleta na siyang nagbigay sa kanya ng kakayahang matiktikan ang iba't ibang uri ng mga bulaklak. Ang mga lamok din ay may kayang masimot ang haba ng daluyong na ang kanilang pandama ay adaptado, kaya sila ay maaaring "tumama" sa ating mga ugat. Sa kasong ito, ang batas ng pagkapareho ng anyo ay halatang-halata.

Alam nating lahat na ang katotohanan ay binuo ng napakaraming prikwensiya, karamihan sa kanila ay hindi natin matanggap, kahit na sila ay nakaapekto sa ating mga buhay. Kunin natin ang x-ray, bilang halimbawa, o ang mga radio wave. Kung gamitin lamang natin ang tamang instrumento, na makapagsalin sa mga alon sa haba na akma sa ating natural na kasangkapan sa pang-unawa—mga mata, tainga, ilong at iba pa—tayo ay may kakayahang tiktikan ang mga along ito na nasa hangin na pumaligid sa atin.

Ano ang gagawin mo kung tanungin kita kung ano ang nakabrodkast ngayon sa paborito mong estasyon sa radyo? Ipalagay nating ikaw ay taong nasa maayos na isip, sabihin mong wala kang alam (maliban lang kong ikaw ay nakinig sa estasyong ito sa sandaling ring ito). Pero kung buksan mo ang radyo at ilipat sa paborito mong estasyon, malalaman mo kaagad ang sagot.

Paano "nalaman" ng radyo kung ano ang nakabrodkast sa inyong paboritong estasyon? Walang maliit na tao sa loob nito, kumanta at nagsalita para gawing mas masaya ang ating oras. Sa halip, ang radyo ay kumabit lamang para tumarbaho sa haba ng daluyong na umiiral sa hangin "bago" natin ito binuksan. Ito ay tumulong sa atin na "isalin"ang mensahe na nabuo sa estasyon ng radyo mula sa mahirap unawain na mensahe sa haba ng daluyong na maaaring matanggap ng ating mga tainga.

Malapit at Malayo

Kung gamitin natin ang salitang "malapit," tayo ay kadalasan nagtukoy sa kalapitan ng ating mga opinyon. Gusto nating bigyan ng kahalagahan ang pagkapareho ng ating mga palagay. Kung tayong dalawa ay naniniwala na ang partikular na pagbabagong sosyal ay kailangan, sa gayon ang ating mga palagay ay magkalapit. Tayo ay gumagamit paminsan-minsan sa salitang ito para maipahayag ang panukat ng pag-ibig sa pagitan natin. Tayo ay nag-isip sa tungkol sa isa't isa sa atin at gusto natin na ang bawa't isa ay maligaya at makadama ng mabuti. Sa ibang salita, tayo ay nakadama ng kalapitan.

Subalit ano ang "kalapitang espiritwal"?

Espiritwal na Pagkapareho ng Anyo

Ang batas ng pagkapareho ng anyo ay nagagamit din sa mundong espiritwal. Pero sa espiritwalidad, ito ay hindi tungkol sa pagkapareho ng mga prikwensiya, kundi tungkol sa pagkakatulad at di-pagkakatulad ng mga intensyon.

Ang sinusukat lamang ng mundong espiritwal ay ang mga intensyon, mga pagpapahalaga. Sa kalikasan, ang tao ay nag-isip lamang ng kanyang sarili at ng kanyang sariling kabutihan. Pero ang intensyon ng Upper Force (pwersang galing sa itaas), na namahala sa kabuuan ng katotohanan, kasama ang ating mga buhay ay ang magkaloob lamang, magbigay. Ito ay kumilos dahil sa pag-ibig. Dahil dito, sa kahariang espiritwal mayroong di-pagkapareho ng anyo sa pagitan natin at sa Pwersang namamahala sa ating buhay.

Sa kinalabasan nito, kung tayo ay gustong malaman at maunawaan ang liderato sa mundo, tayo, din, ay kailangang magkaroon ng katangian sa kaloob. Hanggang sa tayo ay palaging nag-isip lamang para sa ating sarili at sa ating sariling kapakanan, hindi natin malalaman ang mga dahilan sa mga bagay na nangyari sa ating kapaligiran at sa loob natin, dahil nanatili tayong salungat sa Upper Force. Kung hanapin lamang natin ang paraan para umangat sa panukat ng pagkapareho ng anyo na kailangan nating abutin, doon natin matagpuan ang kaligayahan at payapa, gaya ng sabi ng ating mga dalubhasa, "Gaya ng Siya ay maawain, kayo rin ay kailangang maging maawain; gaya ng Siya ay mapagmahal, kayo rin ay kailangang maging mapagmahal."