kabbalah.info
kabbalah TV |  kabbalah books |  movies archive |  kabbalah today |  kabbalah blog |  kabbalah library

Ang Punong-Kahoy ng Buhay

mula sa aklat ni ARI "Ang Punong-Kahoy ng Buhay," unang bahagi

Tingnan, bago ang mga kinalalabasan ay inilabas at ang mga nilalang ay nilikha,
Pinuno ng nangingibabaw na simpleng liwanag ang buong pag-iiral.
At hindi nagkaroon ng bakante, tulad ng walang lamang atmospera, ng parteng nakalubog, o ng hukay,
Kundi lahat ay puno ng simple, walang hangganang liwanag.
At hindi nagkaroon ng bahagi gaya ng ulo, o buntot,
Kundi lahat ay payak, pantay na liwanag, pinantay pare-pareho at akma,
At ito ay tinatawag na Walang Hanggang Liwanag.
At nang sa Kanyang payak na kagustuhan, dumating ang hangarin para likhain ang mundo at lumabas ang kinalalabasan,
Para dalhin sa kaliwanagan ang kadalisayan ng Kanyang mga gawain, Kanyang mga pangalan, Kanyang mga titulo,
Na siyang dahilan ng paglikha ng mga mundo,
Pagkatapos nilimitahan niya ang Kanyang sarili, sa gitna,
Talagang sa gitna,
Nilimitahan Niya ang liwanag.
At ang liwanag ay pumunta sa mga gilid na  nakapaligid sa sentrong puntong iyon.
At ang naiwan ay ang walang lamang kalawakan, kahungkagan
Pumaligid sa gitnang punto.
At ang restriksyon ay pare-pareho
Paikot sa walang lamang punto,
Para ang kalawakan
Ay pare-parehong pinaligiran paikot nito.
Doon, pagkatapos ng restriksyon,
Nang nagawa ang kahungkagan at ang kalawakan
Talagang sa gitna ng walang hanggang liwanag,
Ang lugar ay nagawa,
Kung saan ang mga inilabas at ang nilikha ay maaaring manatili.
Pagkatapos mula sa Walang Hanggang Liwanag nakabitin ang nag-iisang linya,
Ibinaba sa kalawakang iyon,
At sa pamamagitan ng linyang iyon, inilabas Niya, ginawa,
Nilikha ang lahat ng mundo.
Bago umiral ang apat na mundong ito
Mayrong iisang walang hanggan, iisang pangalan, sa nakakamangha, nakatagong pagkakaisa,
Na kahit para sa napakamalapit na mga anggulo
Walang pagtatamo sa walang hanggan,
Gaya na walang isip na maaaring makaunawa nito,
Dahil Siya ay walang lugar, walang hangganan, walang pangalan.