Para sa wastong pang-unawa, kailangan nating limitahan ang ating
mga sarili sa tatlong hantungan:
- Mayroong apat na kategorya sa pang-unawa: A) Bagay; B) Anyo ng
Bagay; K) Basal na Anyo; at D) Diwa. Maunawaan lang natin ang
nangungunang dalawa.
- Lahat ng aking pang-unawa ay nangyari sa loob ng aking
kaluluwa. Ang aking kaluluwa ay ang aking mundo at ang mundo na
labas sa akin ay masyadong basal na hindi ko man maaring masabi
kung ito ay umiiral o hindi.
- Kung ano ang aking naunawaan ay sariling akin lamang; hindi ko
ito maipasa ninuman. Maari kong masabi ang tungkol sa aking
karansan sa iba, pero nang maranasan nila ito, sila ay tiyak na
makaranas nito sa kanilang sariling paraan.
Kung maunawaan ko ang bagay, sukatin ko ito at pasyahan ano ito
ayon sa mga katangian ng mga kasangkapang pangsukat na mayroon
ako. Kung ang aking mga kasangkapan ay may depekto, gayun din
ang aking mga pagsukat; kaya, ang aking letrato sa mundo ay
maging pangit at di-kompleto.
Sa kasalukuyan, sinukat natin ang mundo sa limang pandama. Pero
kailangan natin ng anim na pandama para sukatin ito ng wasto.
Ito ang dahilan bakit hindi natin maaring mapangasiwaan ang
ating mundo sa mabunga at masayang paraan para sa lahat.
Sa totoo lang, ang pang-anim na pandama ay hindi pisikal na
pandama, kundi ay intensyon. Ikinuwento nito paano natin gamitin
ang ating mga hangarin. Kung gamitin natin ito sa intensyon para
magbigay sa halip na para tumanggap, ibig sabihin gamitin natin
sa mapagkaloob na paraan sa halip ng makasariling paraan,
maunawaan natin ang buo, bagong mundo. Ito ang dahilan bakit ang
bagong intensyon ay tinatawag na "pang-anim na pandama."
Ang paglagay ng mapagkaloob na intensyon sa ibabaw ng ating mga
hangarin ay gumawa sa kanila na katulad doon sa ating Lumikha.
Ang pagkakatulad na ito ay tinatawag na "pagkapareho ng anyo" sa
Lumikha. Ang pagkaroon nito ay nagbigay na may-ari nito ng
parehong pang-unawa at kaalaman gaya ng sa Lumikha. Ito ang
dahilan bakit ang pang-anim na pandama lamang (intensyon para
magkaloob) maging posible na malaman talaga paano pangasiwaan
ang atin mga sarili sa mundong ito.
Kapag ang bagong hangarin ay dumatin, ito talaga ay hindi bago.
Ito ay ang hangarin na galing na sa atin na ang kanyang alaala
ay nakatala na sa bangko ng impormasyon ng ating mga
kaluluwa—ang
Reshimot (mga talaan, mga gunita). Ang kadena ng
Reshimot ay umakay deretso sa pinakamataas sa hagdan—ang Isipan
ng Paglikha—at sa mas mabilis na pag-akyat natin nito, lalong sa
paraang matulin at kawili-wili maaabot natin ang ating tadhana.
Ang
Reshimot ay lilitaw isa-isa, sa bilis na pinasyahan natin sa
pamamagitan ng ating hangaring umakyat sa espiritwalidad, kung
saan sila nagmula. Kung subukan nating pag-aralan at unawain ang
bawa't isa sa
Reshimo, ito ay hapuin kaagad at ang katayuang
naintindihan ito (na umiral na) ay lilitaw. Kung maintindihan
natin ang Reshimo, ang kasunod na
Reshimo na nasa pila ay
lilitaw, hanggang sa wakas lahat ng
Reshimot ay maunawaan at
mapag-aralan, at maabot natin ang dulo ng ating koreksyon.