Mula tilas hanggang paru-paro, ang Kalikasan ay puno ng kamangha-manghang mga pagbabago. Ang kaalaman ng Kabala ay nagsasabi sa atin na ang mga ito ay wala kumpara sa pagbabago na ang tao ay maaaring makakaranas.
Hindi ka ba magtaka paano ang nilalang mula sa ibang planeta maaring makaunawa sa Planeta Earth? Ano ang maiisip ng dayuhan sa ating planeta kung siya ay makakita ng tilas katabi mismo sa paru-paro? Ito ay talagang kababalaghan.
Ang tilas ay mayroong mahaba, matabang parang uod na katawan na nababalot ng mabalahibong may stripes na balat. Ito ay dumadausdos sa lupa kinakain ang lahat ng bagay na maaari nitong matagpuan. Sa huli, ito ay tumihaya at bumubuo ng kukun o bahay-uod. Sa kalagayang ito, ito ay walang anyong tulad ng tilas o ng paru-paro.
Sa kukun, ang tilas ay nakabitin lamang at nagkaroon ng kanyang pagbabago. Lahat ng klaseng pagbabago ay nangyayari sa loob ng kukun na iyon. Kung ang panahon ay tama, ito ay ngumangatngat para makalabas sa kukun. Ito ay dapat gagawin nito na walang tulong. Ang pagtulong nito ay maaaring makapatay ng paru-paro. Kung kaya, kahima-himala, ang magandang paru-paro ay lumalabas!
Ang kaibahan sa pagitan ng tilas at ng paru-paro ay masyadong marubdob na mahirap unawain na ito ay ang mismong insekto! Hindi kailangang ang tao ay nagmula sa ibang planeta para mamangha sa pagbabago.
Mayroon pang mas maraming mga halimbawa ng kamangha-manghang mga pagbabago sa kalikasan. Ang buto ng mais ay hindi kamukha ng tangkay ng mais. Ang butete ay hindi kamukha ng palaka. Ang semilya ay hindi kamukha ng sanggol. Kung maraming bagay sa kalikasan ang makakapagbago sa kanilang pagkanilalang, bakit ito ay hindi posible sa atin? Tayo ba ay magkaroon ng pagbabagong kasing-bisa ng tilas? At ang magandang balita ay: Tayo ay pwede!
Ang sinaunang kaalaman ng Kabala ay nagsasabi na ang tao ay hindi lamang maaaring magkaroon ng pagbabago, kundi na dapat gawin niya ito para matupad ang layunin ng paglikha. Ang transpormasyon ng tao, gayon pa man, ay hindi makita sa panlabas; kundi ito ay panloob na transpormasyon.
Ayon sa Kabala, ang kalikasan ng tao ay ang hangaring tumanggap ng kasiyahan (o ang kinalabasan, ang umiwas sa pighati). Bawa''t pagkilos na gagawin ninuman sa mundo ay ang katuparan sa kalikasang ito. Ang maingat na obserbasyon ng ating sarili at ng sangkatauhan ay magpapatunay sa pahayag na ito.
Kung naisin nating maabot ang walang pagmamaliw na kapayapaan at kaligayahan na sinasabi sa atin ng mga Kabalista na naghihintay sa atin, dapat nating baguhin ang ating kalikasan para tayo ay magtaglay ng hangaring magkaloob ng kasiyahan sa iba.
Isipin ang mga pagbabago sa mundo kung ang bawa't tao sa mundo ay gagawa sa pagbabagong ito: katakawan, pagsasamantala at karahasan ay ganap na mawala. Wala nang pangangailangan para sa mga hukuman, hukbo o anumang opisinang pang-gobyerno. Ang malawak na kayamanan na mapalaya ay maaaring magamit sa pagbuo ng mas mabuting buhay para sa lahat.
Ang pag-unawa sa epekto ng pagbabagong ito ay parang mas hindi kapani-paniwala kaysa pelikulang Science Fiction! Ito ay tunay na kamangha-mangha at ano ang mas hindi kapani-paniwala ay mayroong mga taong nakapagdokumento sa mga pagbabagong ito habang dinanas nila mismo ang mga ito. Ang mga taong ito ay mga Kabalista, at sila ay nag-iwan sa atin ng pamamaraan para matamo ang pagbabagong ito para sa ating sarili.
Sadyang tulad ng tilas, dapat tayo ay matiyagang gumawa para maghanda sa ating mga himala. Ito ay panloob na gawain na ang bawa't tao ay gagawa sa kanilang sarili. Hindi tulad sa tilas, gayon pa man, tayo ay maaaring makatanggap ng tulong. Ang lumipas at kasalukuyang mga Kabalista ay maaaring gumabay sa atin sa daan. Ang ating mga kaibigan na nasa kaparehong paglakbay ay maaaring makasuporta at mag-udyok sa atin. Pero sa bandang huli, bawa't isa atin ay dapat gumagawa sa mga pagbabago sa ating mga sarili.
Ang pagbabago ng tilas na maging paru-paro ay kamangha-manghang katangian, pero ito ay maputla kumpara sa pagbabago ng tao. Sa pagbabago ng kanyang sarili, binabago ng tao ang mundo. Gaano karaming tilas ang maaaring makagawa sa pahayag na iyon?