Inilathala sa Disyembre 25, 2008 sa 4:55 ng hapon
Dalawang tanong na aking natanggap sa pagkamakasarili:
Tanong: Bakit nahulo ngayon ng mga tao ang homosexuality gaya ng natural na bagay? Paano mo maipaliwanag ang pagyayaring ito sa pananaw ng Kabala?
Aking Sagot Ito ay dahil ang ating pagkamakasarili ay tumutubo at ito ngayon ay ibinunyag sa pamamagitan ng kanyang huli, nakakatakot na mga anyo, habang nahulo natin ito na walang duda, gaya ng ating antas ng pag-unlad.
Tanong: Kung ang cancer ay pagpapahiwatig ng pagkamakasarili, nangangahulugan ba ito na ako, ang makasariling tao na kumikilos laban sa kalikasan ng pagkamapagkaloob, ay lalong may tsansang magkaroon ng cancer - ang pangkatawang pagpapahiwatig ng hindi pagkapareho?
Aking Sagot: Dahil tayong lahat ay nagkakaugnay-ugnay, ang pangkalahatang pagkamakasarili ay nagdudulot ng mga resultang ito sa iba't ibang bahagi nito, walang pagsasaalang-alang sa mga bahagi mismo. Paminsan-minsan ito ay mangyayari kahit sa mga matuwid at makatuwirang tao.
Inilathala sa Disyembre 25, 2008 sa 7:48 ng umaga
Dalawang tanong na aking natanggap sa ugnayan ng Kabala sa ibang mga siyensya:
Tanong: Nang sinabi mo na ang Kabala ay siyensya, ang ibig mo bang sabihin sa lumang kahulugan ng salita? Iyon nga, ang Kabala ay katawan ng karunungan (maaaring praktikal o maaaring teoretikal na kaalaman)? O ginagamit mo ba ito sa lalong modernong paraan: Ang Kabala ay tulad ng chemistry, biology at geology?
Aking Sagot: Ang Kabala ay nagbubunyag ng kalikasan ng Lalong Mataas na Liwanag sa atin. Isang tilamsik sa Liwanag na ito ang sanhi ng pagputok na naglikha ng ating buong Sansinukob at lahat ng bagay na pumupuno nito: ang walang galaw, halaman, at hayop na mga antas ng kalikasan, kasama ang hayop na bahagi ng mga tao.
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga pundasyon ng lahat ng bagay na umiiral - bagay (hangarin) at ang Liwanag (kasiyahan), matutuhan natin ang basehan ng lahat ng mga bagay at pangyayari sa ating mundo. Para sa karagdagan nito, tingnan ang sanaysay, “Kabbalah as a Root of All Sciences,” at Part 1 of Talmud Eser Sefirot - Inner Observation.
Tanong: Ang Kabala ay hindi pilosopiya, pero ang isang pilosopiya ba ay lalong magkabagay nito kaysa iba pa? Mayroon bang anumang katotohanan na matagpuan sa pilosopiya kahit kung ito ay magsasalita lamang tungkol sa mundong ito?
Aking Sagot: Walang katotohanan sa pilosopiya dahil ito ay nag-aabala sa mga tanong na iniimbento nito para sa sarili, o sinubukan nitong sagutin ang mga tanong na nakabase sa mga pagpapalagay na hindi naugnay sa praktikal na karanasan (sinubukan nitong magsalita tungkol sa "abstract form").
Kahit na ang pilosopiya ay nag-uusap tungkol sa ating mundo, ito ay hindi nagdadahilan tungkol nito sa praktikal na paraan. Ibig sabihin, ito ay nagsasalita tungkol sa bagay gaya ng anyo o diwa na hiwalay sa bagay. Ang Kabala, sa ibang dako, ay nagsasalita sa anyo o diwa sa loob ng bagay at tungkol sa anyo ng bagay (tingnan sa “Introduction to the Book of Zohar”). Kung kaya, lahat ng konklusyong pilosopikal na nagawa sa loob ng kasaysayan ng sangkatauhan ay mali sa pinakamasamang sitwasyon, o hindi akma sa pinakamabuting sitwasyon. Tingnan sa Baal HaSulam’s articles sa paksang ito.
Inilathala sa Disyembre 24, 2008 sa 9:26 ng gabi
Tanong na aking natanggap: Mayroon akong nakakatawag-pansin na naiisip: baka ang rason sa kasalukuyang krisis ay hindi na ang pagkamakasarili ay tumutubo, kundi ang salungat: na ang pagkamakasarili ay huminto sa pagtubo, huminto sa pagdibelop? Kung ang pagkamakasarili ng sangkatauhan ay tumutubo, ang sangkatauhan ay laging kumupkop ng mga bagong antas ng sosyal na pag-unlad. Pero ngayon ito ay nahalintulad ng kabayong hindi na makakahila - ito ay huminto at simulang kumain ng mga damong nakapaligid nito. At kung ang mga damo ay maubos, ang kabayo ay mamamatay.
O ang kabayo ay hahanap ng lakas para magpatuloy. Kung ito ay ganito, sa gayon mas tamang hindi gamutin ang mga tao sa pagkamakasarili na mayroon na sila, kundi sa salungat, pasiglahin ang kanilang pagkamakasarili na tumubo sa bagong antas, na makatamo ng bagong antas ng mga hangarin. At magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagsabi sa kanila tungkol sa lahat ng mga kalugod-lugod na bagay na naghihintay sa kanila sa susunod na palapag.
Aking Sagot: Talagang ito ang ginagawa ng Kabala: Ito ay hindi nananakot ng mga tao sa kung ano ang mangyayari sa kasalukuyan, kundi pinakita sa kanila ang rason para sa mga krisis para ihiwalay sila sa paggawa ng walang kabuluhang mga pagpupunyagi na "buhayin muli ang patay" ginagamit ang lumang mga paraan. Para ihiwalay ang mga tao sa pagkamakasarili, ito ay magsasabi sa kanila tungkol sa mga kasamaan nito; pero sa gayon, para hilahin sila pasulong, para sila ay maghangad ng bagay na lalong mataas at lalong mabuti, ito ay humihila sa kanila sa the study, na magsasabi lamang tungkol sa lalong mataas at lalong mabuting mundo.
Inilathala sa Disyembre 24, 2008 sa 8:37 ng gabi
Ulat Balita (from rpmonitor.ru): "Sa kabalighuan, karamihan sa mga bansang ang mga tao ay nagugutom ay nasasakop sa hanay ng pangmatagalang mga tagatustos ng pang-agrikulturang produksyon sa Kanluran. Sa hindi pagkakaroon ng kahit industriya ng pagproseso ng pagkain sa kanilang sarili, sila ay napilitang ibenta ang kanilang ani sa murang halaga. Kabilang sa listahan ng mga tagatustos ay ang dating mga kolonya at protectorates ng mga lakas ng Kanluran, ngayo'y malabigang kwalipikado bilang "nagdidibelop na mga bansa." Ayon sa UN FAO at komisyon ng ekonomiya ng UN para sa Africa, Western Asia, Latin America, ang Caribbean, at ang Sahel Council, ang potensyal na mga reserba ng mga bansang ito ay sapat para pakainin ang hindi mababa sa kalahati sa populasyon ng mundo. Kung sakaling ang mga bansang ito ay magdibelop ng modernong agrochemical na mga teknolohiya at pagproseso ng pagkain, maaalis na nila ang banta ng gutom."
Aking Komentaryo: Ang pagkalinga sa iba ay nangangahulugan ng pagtulong sa kanila na magdibelop, sa halip ng "paghagis sa kanila ng buto" (kawang-gawa), na magtulak sa kanila na lalong nakadepende. Ang Torah ay nag-uubliga ng mga magulang na seguraduheng ang kanilang mga anak ay makakuha ng propesyon, at sa gayo'y huminto sa pagpakain sa kanila! At kung hindi, ang mga anak ay mananatiling hindi dibelop.
Sa wakas tayo ay dapat magsimulang huluin ang mundo na buo, sa halip ng paghiwalayin sa mga bansa, mga kontinente, mga lahi, at mga bayan. Ito ay ganito sa loob, ito ang kanyang tunay na estruktura. Talagang ang panghulong ito o ang kakulangan nito ang magpapasya ng kalagayang kinalalagyan natin.
Tanong na aking natanggap: Kung ang mga maunlad na bansa ay magbibigay ng mabuting pamantayan ng buhay sa mga hindi maunlad na mga bansa, kinukuha nila ang kanilang kakayahang magdibelop. Ito ba ang uri ng "tulong" na kasalukuyang binibigay sa Africa? Kung ganoon ano talaga ang tamang paraan sa pagtulong?
Aking Sagot: Kumilos ka sa katulad na paraan na ikinikilos mo sa iyong pamilya - sa gayon hindi ka magkakamali!
Inilathala sa Disyembre 24, 2008 sa 6:31 ng hapon
Tanong na aking natanggap: Gusto kong makipag-usap sa iyo o sa iyong mga katulong tungkol sa ilang espesyal na mga abilidad na mayroon ang mga tao, gaya ng abilidad na papasok sa mga sekreto ng mundo sa tulong ng Anghel na Bantay. Ikalulugod ko nang mabuti kung payuhan mo ako kung ano ang susunod kong gawin. Matagal nang panahon ngayon na wala akong tibay ng loob na dalhin ang bagay na ito sa higit na malayo.
Aking Sagot: Nakatanggap ako ng maraming mga tanong katulad ng mga tanong mo, pero lagi ko itong tinatanggal na walang pagsagot. Napagpasyahan kong sagutin ang tanong mo bilang halimbawa para sa iba. Hindi ako makipag-usap ng anumang bagay na hindi nauugnay sa Kabala, at hindi ako makipagtalo kung sino ang tama at kung sino ang mali. Hindi rin ako sumusubok na himukin ang sinuman na ako lang ang nag-iisa na may katotohanan.
Ito ay karapatan mo - at ang obligasyon na binigay sa iyo ng Lumikha - na maghanap at piliin ang iyong sariling landas, katotohanan, paniniwala at layunin sa buhay. Ako ay sumasagot lamang sa mga tanong tungkol sa Kabala, dahil ang pagtanaw gaya ng Kabala ay by definition ang paraan ng pagbunyag ng Lumikha sa tao, ito ay binubuo ng lahat, sa kundisyon na ang mga bagay na iyon ay umiiral!
Inilathala sa Disyembre 24, 2008 sa 10:56 ng umaga
Ulat Balita (from Federal Highway Administration): Halos 10 Bilyong Mas Menos ang Nabiyahe sa Mayo 2008 kaysa Mayo 2007" Ang Sekretarya ng Transportasyon ng Estados Unidos Mary E. Peters ay nagsabi na ang mga Amerikano ay bumiyahe ng 9.6 bilyong mas menos na vehicle-miles traveled (VMT) sa Mayo 2008 kaysa Mayo 2007, ayon sa impormasyon ng Federal Highway Administration. ... Ito ay nagpatuloy sa pitong-buwang takbo na naghahalaga ng 40.5 bilyong mas menos na nabiyahe sa pagitan ng Nobyembre 2007 at Mayo 2008 kaysa parehong panahon isang taon ang nakalipas, sabi niya.
Aking Komentaryo: Ito ay hindi lang maglalagay ng wakas sa talagang sobrang produksyon, kundi ay makakatulong din sa paglilinis ng atmospera. Ito ay isa sa mga halimbawa ng kalikasan na gumagamit ng alternatibong mga pamamaraan para pwersahin ang tao na maging buong bahagi nito sa ekolohiyang paraan.
Ulat Balita (from The Wall Street Journal): “An Ode to Oil” ni Roger Howard: Habang mayroon, siyempre, ang mga pangyayaring ang langis ay makakapagpalubha ng mga tensyon at maging ugat ng hidwaan, ito ay makakakilos din bilang tagagawa ng kapayapaan at ugat ng katatagan. ... Si Leonid Fedun, ang mataas na opisyal at Lukoil, ang pangalawang prodyuser ng langis ng Rusya, ay nagpalagay ... na "ang panahon ng matinding produksyon ng langis [pagtubo] ay tapos na." Walang perang galing sa ibayong dagat at karanasan para kunin ang langis na malayo sa baybayin at ipatuloy ang buhay ng umiiral na mga balon, ang produksyon ng Rusya ay babagsak.
Aking Komentaryo: At sa paraang iyon natin makukuha ang operasyon "pwersahin ang kapayapaan" - sa pamamagitan ng langis! Ang ekonomiya ng Rusya ay nakabase sa produksyon ng langis, at mula ngayon ito ay nakakadepende na sa foreign investments at mga teknolohiya. Ito ay magpupwersa ng Rusya na makipagsundo sa ibang mga bansa.
Ulat Balita (from The Economist): Ayon sa taunang listahan ng Google ng mga tanyag na salitang sinasaliksik, kahit sa mga panahong ito ng pampanalaping krisis, ang mga tao ay pinakabalisa sa paglutas kung ano ang pag-ibig.
Aking Komentaryo: Ito ay nagpapakita ng katotohanan ng talata, "Ang pag-ibig at gutom ay namamahala sa mundo." Ang mga lakas ng kalikasan (Reshimot at ang Liwanag) na kumikilos sa loob natin ay magpupwersa sa atin, ayon sa plano ng kalikasan, para umakyat mula sa makahayop na pag-ibig at gutom sa mga espiritwal na pag-ibig at gutom: gutom sa pagkakaisa, at kasiyahan sa karaniwang Liwanag ng pag-ibig.
Inilathala sa Disyembre 24, 2008 sa 7:31 ng umaga
Dalawang tanong na aking natanggap sa pagkapahiya at kababaang-loob:
Tanong: Sinulat ni Baal HaSulam sa aklat Shamati, sa sanaysay #27, “What Is, The Lord Is High And The Low Will See,” na kung ikakansela ng tao ang kanyang "Ako," makikita niya ang Lumikha! Ano itong karamdaman ng kahihiyan at pagkapahiya na pinag-usapan dito? Bakit pinapahiya at minamaliit siya ng mundo?
Aking Sagot: Ang taong nagkokorekta sa kanyang sarili ay laging makakatanggap ng bago, karagdagang mga bahagi ng pagkamakasarili para sa pamamagitan ng pagkorekta nila siya ay pumailanlang ng lalong mataas. Ito ang paraan siya papailanlang sa pamamagitan ng 125 degrees hanggang sa matamo ang buong koreksyon.
Para matulungan ang tao na mapangibabawan ang bagong egoismo na laging binunyag sa kanya, ang Lumikha ay nagpapadala sa kanya ng panghahamak ng lipunan. At kung hindi ang tao ay makakarinig ng papuri mula sa lipunan at "ibinenta ang sarili" para nito. Siya ay simulang lumigaya sa karangalan at kaluwalhatian sa pagiging "banal na tao," dahil siya ay wala pang proteksyon sa susunod na bahagi ng egoismo na ibubunyag.
Tanong: Ito ay sinulat na ang Lumikha ay umibig kay Moises dahil sa kanyang kababaang-loob. Aking nakita na ang iba't ibang mga pagsubok sa buhay ay gagawa sa atin na lalong mapagkumbaba. Inirekomenda mo sa amin na tingnan ang aming mga kaibigan bilang mas dakila kaysa sa amin. Ano ang ibig sabihin ng maging mapagkumbaba? Kailan namin ikakansela ang aming sarili, paano iiwas sa parehong pagkakamaling nagawa gaya ng mga tagasunod ng mga turo sa Silangan?
Aking Sagot: Ang kababaang-loob ay hindi darating mula sa "pagpatay ng katawan" o pagsira sa sarili, kundi mula sa:
1. Ang pag-unawa na ikaw ay hindi makakagawa ng koreksyon sa iyong sarili, kundi ikaw ay maghangad nito at maghangad na ang Lalong Mataas na Liwanag ang magkorekta sa iyo. Ang tao ay hindi makakakorekta ng anuman sa kanya sa kanyang sarili! At kung hindi, sa halip sa pagiging mapagkumbaba, siya ay makakadama ng pagmamataas sa kanyang kababaang-loob!
2. Ang kababaang-loob ay lumilitaw bilang resulta ng pagbunyag ng kadakilaan ng Lumikha. Ang taong hindi nagbunyag ng Lumikha sa pag-aaral ng Kabala, ay hindi makakatamo ng kababaang-loob at seguradong puno ng walang lamang pagmamalaki.
Inilathala sa Disyembre 23, 2008 sa 8:43 ng gabi
Ulat Balita (from dp.ru): Ang tanyag na Russian TV reporter, M. Leontiev, ay naniniwala na ang tanging solusyon sa krisis ay ang pandaigdig na digmaan.
Aking Komentaryo: Ito ay hindi solusyon, kundi isang paraang pumunta sa iba pang ikot ng buhay na maging mas malala pa kaysa buhay na ito! Dapat isipin ni Mr. Leontiev na bukas siya ay maiisilang sa gutom na pamilya sa Africa, halimbawa...
Ulat Balita (translated from utro.ru): Ang Presidente ng Russian Federation, Medvedev, ay nagpahayag na ang mga politiko ay kailangang matutong makinig sa bawa't isa at gagawa ng mga desisyon. Ito ang paraan na mabawasan ang kasalukuyang pampanalaping krisis.
Aking Komentaryo: Si Mr. Medvedev ay tama, kung ang ibig niyang sabihin na ang tanging totoo, mapagkaloob, nagdamayang unawaan ay magpapalambot ng ating kasawiang-palad.
Ulat Balita (mula sa The Telegraph at FOX News): Ang second-in-command ng Al-Qaida, Ayman al-Zawahiri, ay nagsabi: Ang krisis ay isa sa mga ... ang mga pagkakasunod-sunod ng pagdurugo ng ekonomiya ng Amerika pagkatapos ng istrayk ng Septiyembre 11... Ang siyang pumapasan ng responsibilidad ay ang mga taong nagbabayad ng buhis, na ang kanilang pera ay ginamit sa pagligtas ng mga nakatataas na kapitalista at ang protektahan ang mapanlinlang na interest-based na sistema mula sa pagguho.
Pinanawagan ni Al-Zawahiri ang mga Amerikano na mag-convert sa Islam: "Para sa mga Amerikano at mga tao sa Kanluran sa pangkalahatan ... Ang Panginoon ay nagpadala ng Propetang Muhammad na may patnubay at ng relihiyon ng katotohanan..."
Aking Komentaryo: Maaaring maisip ng tao na si Ayman al-Zawahiri mismo ay nagbigay ng pinakamahusay na halimbawa ng banal na buhay - halimbawang karapat-dapat na gayahin... Gayunpaman, ako ay segurado na ang kanyang pananawagan ay taos-puso!
Inilathala sa Disyembre 23, 2008 sa 4:37 ng hapon
Isang e-mail na aking natanggap sa Disyembre 18, 2008: Ako ay sumusulat sa iyo dahil ako ay desperado, kahit na nadadama ko ang labis na may-kasalanan sa pagkuha ng iyong panahon. Masyado akong malumbay sa habang panahon, at ang nag-iisang ibang bagay na aking nadama ay ang kakulangan ng hangaring mabuhay at kahungkagan. Wala na akong ibang nadadama pa.
Nakikinig ako sa mga leksyon bawa't araw, pero kahit na bigla na lang ako makarinig at makaunawa ng bagay, ito ay bigla ding maglaho bago ko ito masagi sa isip at madama ito. Sumasali ako sa mga proyekto ng pagkakalat ng Bnei Baruch, pero ito ay hindi nagbibigay sa akin ng lakas. Ako ay mabilis bumagsak. Lahat ay nag-iisip tungkol sa krisis at paano lalabas mula nito, pero ako'y hindi man lang makakalabas sa aking sarili. Lahat na aking nadama ay ang di-makayang pighati at hinanakit. Wala na akong alam na gawin. Kung maaari po sana sagutin mo ako sa iyong blog!
Aking Sagot: Ang dalawang lakas na kumikilos sa likha ay ang Liwanag at ang hangarin; lahat ng bagay na umiiral ay binubuo lamang ng dalawang ito. Sila ay nakihalubilo sa paraang minsan ang Liwanag ang mangibabaw, at minsan ang hangarin. Madadama natin ang palitan sa pagitan ng dalawa bilang pagkakaiba ng ligaya / kasiyahan at kapaitan / kahungkagan.
Dahil sa hindi ka makalabas-labas sa iyong depresyon, ang aking payo sa iyo ay ang pasukan ito ng maigi kaysa kung ano ito sa totohanan: sa artipisyal na paraan itulak mo ang iyong sarili sa lalong paghahamak sa sarili, mga karamdaman ng galit, hinanakit at sala. Sa paraang ito, sa pagtulak ng iyong sarili pababa sa iyong buong lakas, mapangibabawan mo ang depresyon, at madiskubre mo gaano kaartipisyal lahat ng iyong mga karamdaman, gaano sila nakadepende sa iyong subyektibong pananaw. At sa gayon, mula sa kaibuturan ng iyong pagbaba, madadama mo ang ligaya at Liwanag!
Inilathala sa Disyembre 23, 2008 sa 1:42 ng hapon
Tatlong tanong na aking natanggap tungkol sa paggamit ng internet bilang paraan ng pagkonekta:
Tanong: Ipinahayag ng pananaliksik na 11 sa 100 ng mamamayang pandaigdig ay may kakayahang gumamit ng computers at Internet. Paano natin madama na tulad ng isang lipunan kung kaunti lang sa atin sa mundo ang talagang makakonekta gamit ang internet?
Aking Sagot: Sa simula, ang koneksyon sa pagitan ng mga tao ay hindi nilkha ng Internet, kundi ng Lumikha. Ang ating mga kaluluwa ay mahigpit na konektado sa isang sistema. Mga pag-iisip at mga hangarin ay dumadaan diretso mula sa kaluluwa sa kaluluwa, at hindi sa pamamagitan ng web. Walang pagsasaalang-alang sa pagkakaroon ng Internet o wala, lahat ay makakadama na sila ay bahagi sa buong mundo sa parehong sukat.
Tanong: Kung sirain ng pandaigdig na krisis ang Internet, ano ang mangyayari sa ating pagkakalat at ng mga grupong kunektado sa Internet?
Aking Sagot: Dapat nating gawin ang lahat na ating makakaya para seguraduhin na ang ating mga kaibigan sa buong mundo ay mananatiling konektado sa atin. Kung ang mundo ay nangangailangan sa atin, sa gayon seguradong patuloy ang mga pagkakataon sa pagkonekta sa mundo. Baka makakatanggap pa tayo ng lalong maraming mga pagk akataon para gawin ito.
Tanong : Mayroon akong ideya sa panahon the Blackpool Congress: Ako ay nag-isip tungkol sa mga matatanda na walang kakayahang gumamit ng mga kompyuter. Naisip ko na baka pinakamabuti na bigyan sila ng posibilidad na makadama ng pagkakaisa. Maaari din na sabihin natin sa kanila ang tungkol sa katotohanan, malayang pagpili, at paano tingnan ang mundo sa perspektibo ng Kabala. Ito ay magdala sa lalong maraming gawain na gawin sa grupong ito ng "mulat na mga matatanda." Kung subukan kong i-dibelop ang bagay na ito sa mga "matatandang grupo" sa aking bayan, maiisip mo ba na ito ay may pakikinabang?
Aking Sagot: Ang edad ng tao ay talagang walang kaugnayan sa pagdating sa pag-aaral ng Kabala, dahil ang kaluluwa ay walang edad. Ang pakikipag-isa sa ideya ay nagkokorekta na ng kaluluwa. Subukan mo ito! Ako ay umaasa na kapag matamo na natin ang tiyak na antas ng tagumpay sa ating pagkakalat sa madla, ang mga channel ng telebisyon ay magiging interesado sa ating mga programa sa TV.
Inilathala sa Disyembre 23, 2008 sa 11:28 ng umaga
Dalawang tanong na aking natanggap hinggil sa mga taong gustong sirain tayo:
Tanong: Ano ang iyong interpretasyon ng manalangin para sa iyong mga kaaway? Ang aming Rabbi ay nagdagdag ng dalawang salita sa huli ng aming serbisyo, "at Ishmael," at ako'y masyadong nabalisa. Bahagi ba ito ng "ibigin mo ang iyong kapwa"? At paano ako makakapanalangin sa mga taong nangako sa ating pagkasira?
Aking Sagot: Dapat kang manalangin para sa kanila para huminto sa pagnanais na lupigin o sirain ang lahat na "mali," dahil ang walang hanggan at walang wakas na Lalong Mataas na Mundo ay hindi matatamo sa pamamagitan ng karahasan, kundi sa pamamagitan ng pag-ibig para sa lahat.
Tanong: Sinabi mo sa previous blog post na "Sinumang tao na maaaring makasira ng iyong landas espiritwal sa kanyang mga pag-iisip at mga hangarin, kahit hindi sinadya." Nangangahulugan ba ito ng mga tuldok ng puso sa mundong espiritwal? O pinag-usapan din ba natin ang mundo ng "mga hayop," sa mundong materyal?
Aking Sagot: Mayroong isang mundo, pero sa ating kamalayan ito ay binabahagi ng bahagi na binunyag sa atin at bahagi na tinago mula sa atin. Iniemplwensyahan natin ang dalawang bahagi bilang isa.
Inilathala sa Disyembre 23, 2008 sa 11:36 ng umaga
Ang sumusunod na nasabi ay ipinatungkol sa Scottish na professor sa historya Alexander Tyler sa 1787, na humula ng kaunlaran ng USA gaya ng sumusunod (from Financial Sense):
Ang demokrasya ay laging temporaryo sa katutubong ugali; simpleng ito ay walang kakayahang iiral bilang permanenteng anyo ng pamahalaan. Ang demokrasya ay patuloy na iiral hanggang sa panahong madiskubrehan ng mga botante na sila ay may kakayahang bumuto sa kanilang sarili ng mga masaganang regalo mula sa pampublikong tesorerya. Mula sa sandaling iyon, ang mas nakararami ay laging bumubuto para sa mga kandidatong nangako ng pinakamaraming benepisyo mula sa pampublikong tesorerya, kasama ang resulta na ang bawa't demokrasya ay sa huli guguho dahil sa iresponsableng piskal na pamamalakad, na laging sinundan ng diktadurya.
Ang karaniwang edad ng pinakadakilang mga sibilisasyon ng mundo mula sa simula ng historya, ay mahigit-kumulang 200 taon. Sa panahon ng 200 taon, ang mga bansang ito ay laging sumulong sa pamamagitan ng sumusunod na pagkakasunod-sunod:
Aking Komentaryo: Si Prof. Tyler ay tama tungkol sa proseso, nguni't hindi sa kinalalabasan nito. Hindi niya nahulaan ang globalisasyon - ang kompletong interkoneksyon ng sangkatauhan. Pero ito ay talagang sa pangangailangang makaligtas, para umiral sa interkunektadong sistema, na magpupwersa ng sangkatauhan na maghanap ng paraang pigilan ang indibidwal na pagkamakasarili ng bawa't tao. At kung tayo ay maghanap ng paraan para baguhin ang pagkamakasarili, ating matatagpuan na ang Kabala ay ang nag-iisang sapat na paraan.
Inilathala sa Disyembre 22, 2008 sa 7:28 ng gabi
Tanong na aking natanggap: Nag-aaral ako ng Kabala sa inyo sa apat na taon na, at ako ay nagkakalat ng Kabala sa Internet. Pero mayroong isang tanong na nagbabagabag sa akin na may kapanahunan na. Karamihan sa mga sites na ako ay nakipag-ugnayan ay hindi gustong makinig ng anuman tungkol sa Kabala, at sila ay nagsasabi ng mga napakasamang bagay tungkol sa akin at sa iyo. Hindi nila maintindihan anong krisis na pinag-uusapan natin. Pagkatapos kong basahin ang mga komentaryong ito tungkol sa atin, ako'y nakadama ng kahungkagan at nawalan ng ganang magkalat. Ano ang dapat kong gawin?
Aking Sagot: Mapalad kang nabubuhay sa henerasyong kailan ang pagkakalat ng Kabala ay pinahintulutan. Isipin paano ang mga dakilang Kabalista ng nakaraan ay nakadama! Dapat mong basahin ang tungkol sa kanila: paano sila bugbugin (pangkatawan at sa ibang paraan) sa kanilang sariling kauri.
Dapat mong maunawaan ang antas ng pagsulong ng iyong kalaban at matiyagang hintayin silang tumubo. (”Ma Laasot Im Yeladim She Hizkinu – Ano ang magagawa natin sa mga batang tumanda na nguni't nanatiling bata?”) Subali't, sa ating panahon ang krisis ay papalo sa lahat, at pupwersahin nito ang lahat na mag-isip-isip at tanggapin ang Kabala bilang paraan ng kaligtasan. Sila siyempre ay walang alam ano ang Kabala, dahil sila ay tinakot at dinaya. Bigyan mo sila ng panahon para magdusa at isipin ang mga bagay ng maayos.
Tungkol sa kung saan kukuha ng lakas emosyonal, basahin kung ano ang sinulat ng mga Kabalista (read what Kabbalists write) tungkol sa pangangailangan ng pagkakalat o pagpapaalam ng Kabala. Sa aking sarili, sinasabi ko sa aking sarili na ako ay naubligang sundin ang kanilang mga alituntunin, at ito ay nagpapalaya sa akin sa mga pag-iisip tulad ng, "Talaga bang kailangan ito?" - kahit kung ang nag-iisang bagay na aking matanggap ay mga pagdurusa bilang kapalit... Ang Layunin ay nag-uubliga ng tao! Sa maraming mga siglo, ang mga Kabalista ay nanaginip ng pagkakataong pagkakalat, at tayo ay binigyan ng pagkakataong ito. Dapat bang hihingi pa tayo ng ibang bagay bilang kapalit?
Inilathala sa Disyembre 22, 2008 sa 5:20 ng hapon
Dalawang tanong na aking natanggap sa kinahinatnan ng pampanalaping krisis:
Tanong: Kung hindi natin matamo ang koreksyon, ang mga susunod na mga hampas ba ay naaayon sa antas ng pagsulong ng likha? Tayo sa kasalukuyan ay nakasaksi ng pampanalaping krisis. Ito ba ay nangangahulugan na ang susunod na krisis ay mangyayari sa vegetative level, at iba pa?
Aking Sagot: Segurado, ang mga krisis ay maging lalo at lalong matindi, sa usapang hinggil sa uri.
Tanong: Ang Top Heavy Corporate Greed ay ang pangunahing umaambag na dahilan sa pampanalaping problema. Paano ang anumang negosyo o bansa makakatakbo ng maayos kung ang kapitalistikong katakawan at pagkamakasarili ang pangunahing nagpagalaw na lakas? Ano ang mangyayari sa mga taong ito kung hindi na nila matanggap ang kanilang Milyong Dolyar bawa't taon na mga sahod at sila'y nagsubok pa rin na magpatuloy sa estilo ng buhay na iyon?
Aking Sagot: Mauunawaan nila na sila ay hindi talaga matagumpay, kundi mayroon lang silang ilusyon ng kasiyahan. Sila sa gayon ay babaling sa Pinagmulan ng totoo, walang hanggan, at perpektong kasiyahan, una dahil sa pangangailangan, tinulak sa pamamagitan ng pighati, at pagkatapos - sa pamamagitan ng pagdama ng harmonya at walang hanggang kasiyahan.
Inilathala sa Disyembre 22, 2008 sa 10:34 ng umaga
Ulat Balita (translated from chaskor.ru): Ang konsepto ng ecovillages ay nagkaroon ng popularidad dahil ang mga tao ay umaasang makaeskapo sa bitag ng sibilisasyon na komorner sa kanila. Kahapon lamang na ang ganoong mga komunidad ay parang ekstremist at panatiko, pero ngayon sila ay itinuring na paraan para makaligtas sa pandaigidig na krisis, na naging pandaigdig na kaguluhan. Sa karagdagan, mas madaling makaligtas sa krisis sa pakikipagniig.
Aking Komentaryo: Ang paghiwalay mula sa pandaigdig na sibilisasyon para iligtas ang sariling liig ay magdadala ng anumang pakikipagniig sa teribleng krisis - isang mas malaki pa sa natira sa mundo. Ito ay dahil ang pakikipagniig ay naghihiwalay ng sarili mula sa lahat para mailigtas ang kanyang sarili, at ito ay laban sa pagkakaisa, globalisasyon, at plano ng Kalikasan para pagsamahin ang lahat. Ito ay hindi ecovillages, ito ay EGO-villages!
Ulat Balita (#from World Net Daily): ...ang Estados Unidos ng Amerika ay kumikilos palapit sa estilong Nazi na totalitarianismo, nagbabala ang dating miyembro ng Hitler Youth sa bagong aklat. "Bawa't araw ang bansang ito ay papalapit sa estilong Nazi na banging totalitaryan," sinulat ni Hilmar von Campe...
Aking Komentaryo: Ayon sa Kabala, kung hindi tayo kikilos patungo sa pandaigdigang integrasyon, sa gayon tayo ay kikilos patungo sa damayang paghihiwalay at ang paglitaw ng mga rehimong Nazi sa mga maunlad na mga bansa.
Ulat Balita (from National Post): Mas maraming binata't dalaga ang bumaling sa Internet bilang mura, kombinyenteng paraan sa paghanap ng pag-ibig sa panahon ng mahirap na ekonomiya. Ang botohan ng Opinion Research Corp. ay nakatuklas na 57% ng mga Amerikano ay nagsabi na ang credit crunch ay naggawa sa kanilang mag-alala sa kanilang buhay pagibig... ang mga kaparehong survey sa Australia at Britanya ay nagkaroon din ng parehong resulta.
Aking Komentaryo: Ang pighati at takot ay nagpapakita sa atin kung gaano talaga tayo kahina at gaano natin kailangan ang suporta ng kapaligiran. Tayo ay nilikha bilang mga nilalang panlipunan at kailangan nating bumuo ng palakaibigan at masuportang lipunan sa paligid natin. At kung hindi tayo gusto, ang kalikasan ang pipilit sa atin. Sa gayon gugustuhin natin ito at bilang resulta ay bubuo ng ganoong lipunan!
Inilathala sa Disyembre 22, 2008 sa 9:59 ng umaga
Sa interbyu ng rabkor.ru, “This is an Unusual Global Crisis,” ipinahayag ni William Engdahl ang mga sumunod:
Ang pandaigdig na pampanalaping krisis ay nagbigay ng palaisipan ng mga ekonomista at mga siyentipikong politikal sa buong mundo. Ang mangilan-ngilan ay nakakita na ito ay matatapos sa loob ng isang taon habang ang iba nama'y nagsasabi na ang mundo ay dadaan sa ganoong drastikong mga pagbabago na sa Europa, ang pag-aari ng kotse ay maging hindi kilalang karangyaan, at sa Estados Unidos ng Amerika ang paghihikahos ay titindi sa ganoon kadrastiko na ang bansa ay makakakita sa kanyang sarili sa sitwasyong rebolusyonaryo.
Aking Komentaryo: Wala pa akong narinig na tamang kongklusyon! Ang tamang krisis ay dapat maghatid sa tamang kinahinatnan: ang bawa't tao ay magkakaroon ng lahat ng bagay na kanyang kailangan sa pag-iral para sa kapakanan ng iba. Sa karagdagan, sa pagsagip ng tamang pag-uugali sa sarili at sa iba, ang bawa't tao ay makakadama ng kanyang walang hanggan at perpektong pag-iiral sa katapatan ng Kalikasan (ang Lumikha).
Inilathala sa Disyembre 21, 2008 sa 8:17 ng umaga
Ulat Balita (from ABC News): …isang bailout drama ang natapos sa loob ng naisaradong Republic Windows & Doors factory sa Chicago, kung saan mahigit sa 200 galit na manggagawa ang nakatalungko pagkatapos ng biglaang pagkasisante … na walang panghuling sahod o benepisyo. Naniniwala ang mga manggagawa na sila ay biktima sa pumalpak na bailout, na ang Bank of America na nakatanggap ng $25 bilyon sa federal rescue package, ang namagitan sa kanila at sa kanilang sahod.
Aking Komentaryo: Ang mga hidwaan na pumutok sa Greece ay nagpapakita sa atin na ang mundo ay nakabalanse sa bangin ng pagputok. Ang kawalan ng kasiyahan ng mga tao ay handang pumutok sa pinakamaliit na dahilan, at palaging madaling maghanap ng pasimuno ng hidwaan, kahit digmaan. Kailangang para sa atin ang huminto at mag-isip tungkol sa katotohanan na imposibleng pigilin ang ating pagkamakasarili gamit ang nakasanayang mga paraan. Ang pagputok ay maaaring mangyari kahit saan sa anumang sandali.
Ulat Balita (translated from utro.ru): Ang pampanalaping krisis ay nagdala ng pag-urong sa turismo at dining, transportasyon at mga serbisyong pampanalapi sa mga industriya. Subalit, ang komunikasyon via mobile connections ay ang panghuling bagay na nanaising bawasan.
Aking Komentaryo: Ang krisis ay makakaapekto sa lahat ng aspeto ng ating buhay, pilitin tayong mag-isip-isip. Pepwersahin tayong maghanap sa komunikasyong panloob - “kaluluwa sa kaluluwa.”
Ulat Balita (translated from utro.ru): Ang legal sector ng pamilihang alkohol ng Rusya ay humaharap ng sakunang kakulangan ng mga kagamitang panangkap. Sa simula ng susunod na taon, dalawa't-kalahati ng mga factory ng alkohol sa bansa ay kailangang huminto sa operasyon.
Aking Komentaryo: Ito ay seryosong pananakot sa kalusugan ng bansa. Sa totoo, ito ay maaaring magdala nito sa bingit ng paglalaho.
Kongklusyon: Ang krisis ay mag-iimpluwensya sa atin at ang mga tao ay makakadama nito sa bawa't aspeto ng kanilang buhay. Ito ay madadamang kakaiba sa ibang mga bahagi ng mundo, pero walang taong maaaring makaiwas. Sa wakas ito ay magpipilit sa ating gumawa ng mabuting mga ugnayan sa isa't isa. Maaari nating gawin ito ngayon o pagkatapos ng panahon ng pagpalala at mga digmaan. Kung ang sangkatauhan ay tatanggap na ang mga bagay na nangyayari ay kahilingan ng Lumikha sa atin na baguhin ang ating sarili at pumaitaas, sa gayon ang krisis ay maging maligayang pagbunyag ng perpektong mundo.
Inilathala sa Disyembre 20, 2008 sa 9:16 ng gabi
Tatlong tanong na aking natanggap sa pagpapaliwanag ng Kabala:
Tanong: Ikinalat natin ang Kabala sa mga taong may tuldok sa kanilang puso. Pero ano ang ituturo natin sa natitira sa mundo?
Aking Sagot: Lahat ay dapat makaalam tungkol sa Kabala. Subalit, ang bawa’t tao ay malayang pumili nito para sa kanyang sarili, sa anong antas kailangan niya ito, mula 0% hanggang 100%. Lahat ng bagay ay nasa mosyon, at ang tanong tungkol sa kahulugan ng buhay ay mabilis na lumitaw sa mga tao. Ito ang tanong na ang Kabala lamang ang makakasagot.
Tanong: Ang lengguwaheng ginamit sa Kabala ay nakakalito. Bakit hindi natin ito gawing simple? Kung ang iyong layunin ay pagkakalat, sa gayon sa aking opinyon, ang estilo ng presentasyon ay dapat baguhin at pasimplehin.
Aking Sagot: Tama ka, at ako ay umaasa na magawa ko ito. Sinulat ni Baal HaSulam na kailangan nating sumulat ng mga bagong aklat, ipakilala ang Kabala sa lalong simple at lalong bukas na paraan. Kailangan mong mag-aral at subukang gawin ito sa sarili mo!
Tanong: Mabibigyan mo ba kami kung ikalulugod mo ng diksyonaryong nagpapaliwanag ng mga salitang ginamit sa mga leksyon ng Kabala tulad ng Klipot, Kli, vessel, Lishma, Parsa, Machsom, Ohr, Yechida, Gadlut, Beria, Adam HaRishon, Tzimtzum, Ohr Makif, at iba pa? Para sa mga taong hindi kabisado sa Aramaic o Hebreo, ito ay mahirap unawain.
Aking Sagot: Mayroon nang maraming diksyonaryong katulad nito, na kasama ang hubad ng salita, interpretasyon, komentaryo, at iba pa. (Tingnan ang mga links sa Related Materials section sa ibaba.) Wari ko na ang pag-alam at paulit-ulit na balikan ang mga salita ay ang pundasyon para sa tagumpay sa pagdating sa pag-unawa sa sistema at estruktura ng mga mundo. Ito ang tiyak na paraan ng pagbagay ng sarili sa sensasyon ng mga espiritwal na lakas.
Inilathala sa Disyembre 20, 2008 sa 8:24 ng gabi
Tanong na aking natanggap: Ano ang koneksyon sa pagitan ng talino at ng puso? Dapat bang ibalanse ng tao silang dalawa? At paano posible dagdagan o bawasan ang isa sa kanila? Sa isa sa iyong mga leksyon sabi mo na ang taong ang talino ay hindi pa dibelop ay maaaring mabaliw. Maipaliwanag mo ba ito ng lalong detalyado?
My Answer: Ang basehan para sa lahat ng bagay, ang nag-iisang likha - ay hangarin. Kung kaya, ang hangarin ay nangunguna sa atin. Pero para matamo ang bagay na ating hinangad, ang talino ay nagdibelop kasabay ng hangarin, katumbas nito. Kung kaya, kahit paano tayo lumaban sa katotohanang ito, ang talino ay alila ng hangarin; ito ay nagdibelop lamang para maglingkod sa hangarin.
Sa dahilang iyon, hinding-hindi natin makayanang gawin ang ating talino na obyektibo, malaya sa ating mga hangarin. Subalit, mababago natin ang ating mga hangarin sa ilalim ng impluwensya ng kapaligiran (tingnan ang sanaysay “The Freedom”), at ayon sa mga bagong hangarin mapipilit din natin ang ating talino na magbago. Kung maintindihan natin ito, sa gayon sa ilalim ng impluwensya ng tamang kapaligiran (kapaligirang magdadala sa atin sa layunin ng likha), madidibelop lagi natin pareho ang ating mga hangarin at ang ating talino sa magandang pagsasamahan.
Kung ang tao ay may dakilang mga hangarin pero ang kanyang talino ay hindi masyadong dibelop para isakatuparan sila, maaaring mawalan siya ng kakayahang kontrolin ang kanyang sarili sa matinong paraan.
Inilathala sa Disyembre 20, 2008 at 7:25 ng gabi
Mga tanong na aking natanggap tungkol sa mga lalaki at babae:
Tanong: Bakit ang babae ay naghangad na maging “siya at siya lang,” at sa Lumikha na siya lang ang abutin? Ito ba ay mayroong espiritwal na ugat? Ang lalaki rin ay nagpapakita na siya ay gustong maging siya at siya lang: ang pinakamabuti, ang pinakamalakas, nagpapakita na magagawa niya ang anuman, at iba pa.
Aking Sagot: Ang babae ay gustong maging konektado sa Pinanggagalingan, samantalang ang lalaki ay gustong maging ang Pinanggagalingan mismo.
Tanong: Lahat na maiisip ko parang kalahati ng panahon ay ang makipagtalik sa mangilan-ngilang magandang babae na nag-aaral ng Kabala. Ito ba ay karaniwan?
Aking Sagot: Ito ay magtulak sa iyo na maging interesado sa Kabala para magustuhan ka niya. Pero sa gayon madidiskubre mo ang napakaraming bago at kaakit-akit na mga bagay sa Kabala na ang iyong atensyon ay naibabaling doon sa halip. Samantala, ang magandang babae ay mananatili, pero bilang umaalinsabay sa iyo, sa halip na maging pangunahing rason ng iyong pag-aaral.
Tanong: Ano ang pinakamabuting solusyon para sa akin: ang mag-asawa sa lalaking hindi naghahangad para sa espiritwalidad o ang manatiling dalaga hanggang sa ang Lumikha ay gustong ako ay maghanap ng kasama sa buhay?
Aking Sagot: Subukan mong maghanap ng asawa (find a partner) sa mga katulad mo.
Inilathala sa Disyembre 19, 2008 sa 11:53 ng umaga
Sumali ako sa talakayan para sa TV Series “The Butterfly Effect” (“Ang Epekto ng Paruparo”)Kasama ko sa talakayan sina:
Ram Shmueli – Brigadier-General sa reserba, dating pangulo ng Intelligence Squadron at komander sa base ng Air Force. Puno ng public committee na nangangasiwa sa Ministri ng Edukasyon (kanan);
Avihu Sofer – ang tagapamahala sa ating publishing department sa press at sa Internet (gitna).
Bilang puno ng public committee na nangangasiwa ng Ministri ng Edukasyon, nauunawaan ni Ram ang mga problema sa pagtuturo ng mga tumutubo at matandang henerasyon sa lokal at pandaigdig na mga antas. Pero lahat ng mga ministri ng edukasyon ay walang kapangyarihang gumawa ng anuman. Tayo ay walang lakas sa pagdating sa kung ano ang pinakamahal sa atin - ang ating mga anak. Tayo ay walang kayang hubugin sila ng maayos, at sa halip iniwan natin ang gawaing ito sa pagkamakasarili na nagngingitngit sa loob nila. Hinayaan nalang natin ang kanilang pagkamakasarili na pilitin silang magbanggaan sa isa’t-isa, gawin silang mga miserableng bilanggo nito, na walang saglit na pahinga.
At lahat ng ito ay nangyayari dahil hindi din tayo nakatanggap ng wastong edukasyon. Hindi tayo pinalaki na maging “tao”; hindi natin natanggap ang paliwanag ng ating pagkakagawa, mga hangarin, at mga katangian, ng kung ano ang namamahala sa atin, saan ang ating malayang pagpili nakahimlay, ano ang mga batas na namamahala ng indibidwal at ng lipunan, at ano ang mga batas ng ating pagsulong. Sa totoo, wala tayong alam ng anuman tungkol sa ating mga sarili o ano ang nakapaligid sa atin. Ito ang dahilan na namuhay tayo ng ganito - ito ay nangyayari sa dilim.
Inilathala sa Disyembre 19, 2008 sa 1:14 ng hapon
Mga tanong na aking natanggap tungkol sa mga multo, kamatayan at muling pagkakatawang-tao:
Tanong: Bakit ang koreksyon mangyari sa napakaraming mga panahon ng pagkabuhay ng tao sa halip ng isang pinatagal na panahon ng pagkabuhay ng tao? Mayroon bang espiritwal na pangangailangan para sa kamatayan ng katawan? Ang mga tao ba ay iiwas ng koreksyon kung ito ay nangangahulugan ng pinatagal na pag-iiral ng katawan, na sa gayon pinagkalooban ang pagkamakasarili ng tagumpay?
Aking Sagot: Ang katawan ay dumadaan ng pagbabago dahil ang kanyang mga panloob na katangian ay binago. Ang mga katangiang ito ay hindi maaaring dumaan ng pagbabago habang nasa parehong katawan, dahil ang partikular na katawan ay laging ang pinakabagay para maisakatuparan ang partikular na grupo ng mga katangian.
Tanong: Ang kaluluwa ba ng namatay na tao ay babalik sa mundong ito walang pagsasaalang-alang kung ang taong ito ay nag-aral ng Kabala?
Aking Sagot: Kung ang tao ay hindi nag-aral ng Kabala, talagang babalik siya sa mundong ito para ayusin ang kanyang kaluluwa sa tulong ng pag-aaral ng Kabala. Ito ay sa pagkatapos lamang ng buong koreksyon ng kaluluwa na ang tao ay hindi na babalik sa mundong ito, na siyang ang pinakamasama sa lahat ng mga mundo. Para sa karagdagan, tingnan sa “Introduction to the Book ‘From the Mouth of a Sage.’”
Tanong: Kung mayroong pisikal na kamatayan, ang Liwanag ay umaalis mula sa hangaring tumanggap, at kung ang tao ay hindi pa nakapag-dibelop ng kaluluwa, sa gayon siya ay walang kaluluwang pagtirhan sa mundong espiritwal. Bilang resulta, ang hangaring tumanggap ay muling magbihis sa isa pang katawan - ito ay tinawag na muling pagkakatawang-tao. Pero ano ang mga multo: mga nilalang na walang katawan pero maaaring makunan ng letrato o mahuli sa film?
Aking Sagot: Sila ay hindi mahigit sa pisikal (optical) na pangyayari na parang lumitaw lang sa iyo!
Inilathala sa Disyembre 19, 2008 sa 3:21 ng hapon
Tanong na aking natanggap: Bakit inaabswelto ng Torah si Yakob nang siya ay manlinlang kay Esau? Pumunta si Esau kay Yakob na nakadipa, nguni’t si Yakob ay lumayo sa kanya at sinubukang bilhin siya sa pamamagitan ng mga regalo.
Aking Sagot: Ang Torah ay nagsasalita tungkol sa koreksyon ng tao, kung saan siya ay maging katulad ng Lumikha. Si Yakob ay kumakatawan sa intensyon ng pagkaloob at si Esau ay kumakatawan ng hangaring tumanggap, ang ating pagkamakasarili. Si Esau ay hindi makaunawa na siya ay laging manatiling walang saysay dahil ang kanyang intensyon ay “para sa kanyang kapakanan,” at sa pagbabago lamang nito sa intensyon ng “para sa iba” siya mapupuno ng Lalong Mataas, walang hangganang kasiyahan - ang Liwanag. Ito ang bagay na hindi maintindihan ng pagkamakasarili, at ito ang dahilan na dapat linlangin ng tao ang kanyang pagkamakasarili. Kailangan niyang akitin ang sarili na gumawa sa espiritwal na pagsulong sa pagsabi nito na ito ay makaiwas ng pighati at mapupuno ng kasiyahang espiritwal at pagbunyag.
Sa paraang ito, ang pagkamakasarili ng tao ay makakatulong sa kanya sa pag-aaral ng Kabala, dahil ito ay umaasa ng kasiyahan mula nito. Ito ay mag-aaral Lo Lishma - para sa kapakanan ng sarili. Subali’t, sa proseso ng pag-aaral, pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, at sa pamamagitan nito ay makatanggap ng Liwanag ng Pagwawasto, ang tao ay humihinto sa pagbigay halaga ng intensyon “para sa kanyang sarili” at sa halip ay magsimulang magbigay halaga ng intensyon “para magkaloob” - para sa kapakanan ng iba, para sa kapakanan ng Lumikha.
Ito ay mangyayari dahil sa impluwensya ng Liwanag. At kung ang intensyon ng tao ay magbabago, maaari niyang simulang gamitin ang kanyang pagkamakasarili (Esau) para tumanggap para sa kapakanan ng pagkaloob. Ito ang paraan paano ang tao makaabot sa walang hanggan, wagas na kasiyahan. Ang panlilinlang na ito ay katulad sa paraang nilinlang o akitin natin ang bata para mag-aral, at sa huli siya ay makarating sa pag-unawa na ito ay ginawa para sa kanyang sariling kabutihan. Ito ang paraan paano ang Lumikha naglalaro sa bawa’t isa sa atin.
Inilathala sa Disyembre 18, 2008 sa 9:29 ng gabi
Ulat Balita ( mula sa The Associated Press): German Sterligov, ang dating kamangha-manghang bata sa batang pamilihang ekonomiya ng Rusya at isa sa unang mga multimilyonaryo ng Rusya, ay nagpapahayag na mayroon siyang solusyon sa pang-ekonomiyang kaguluhan ng kanyang bansa. Siya at ang kanyang dating mga kasosyo sa negosyo, sabi niya, nagtatag ng “sentrong anti-krisis ng mga panindang transaksyon” para sa palitan ng paninda. “Ito ay elektonikong kapalit ng pera, hindi naugnay sa dolyar, euro o ruble,” paliwanag niya. Hinula ni Sterligov na ang pag-aari ng agrikultura at lupain ay hindi malayong maging ang langis para sa mga oligarko. “Marami sa kanila ay tumitingin sa lupain at mga baka ngayon,” sabi niya. Ang mga metal ay hindi na mahalaga. Iyon ay ang mga karnero, baka, oats, butil, langis ng olibo, pulot-pukyutan iyon ang naging ginto.”
Aking Komentaryo: Magaling, ano pa ba ang magagawa ng tao kung ang bangko ay naging hindi pinakamaasahang lugar para ilagay ang iyong pera o magsilbing tulay ng iyong mga babayarin? Pero wala nang pagbabalik. Ang sangkatauhan ay hindi na makakabalik sa sistema ng palitan o kahit sa perang papel at sertipikong papel. Ito ay maaaring posible lamang sa mga limitadong lugar at halaga. Ang programa ng paglikha ay nagtutulak sa atin na iwanan ang lahat ng mga pamamaraan at unawain na ang nag-iisang magagamit na landas ay ang pagwawasto ng ating pagkamakasarili!
Iniliathala sa Disyembre 18, 2008 sa 1:19 ng hapon
Mga tanong na aking natanggap sa pag-iinterpret ng mga Kabalistikong pagpapahayag at mga parirala:
Tanong: Ano ang Shechina?
Aking Sagot: Ito ay ang hangaring ibunyag ang Lumikha, at kung ang hangarin ay buo, sa gayon ang Lumikha ay naging bunyag sa loob nito. Ang Lumikha ay tinawag na Shochen – ang siyang pumupuno sa hangaring ito.
Tanong: Ano ang pagkilala ng kasamaan?
Aking Sagot: Ito'y sa panahong makilala mo ang iyong sariling pagkamakasarili!
Tanong: Ang pighati ba ay tulad ng pagiging huli sa pagsakatuparan ng Reshimo?
Aking Sagot: Oo!
Tanong: Maiisalarawan ba natin sa isip na ang landas ng pagsulong ng sangkatauhan ay gaya sa nakaplano, sementadong daan mula sa punto ni “Adam” sa punto ng “Ang Lumikha”?
Aking Sagot: Iyon ay talagang tama!
Tanong: Paano natin intindihin ang talatang ito: “Sabi ni Rabbi Shimon: 'Patayin ang pinakamabuti sa mga taga-Ehipto at biakin ang ulo ng pinakamabuting ahas?'”
Aking Sagot: Ehipto at ang ahas ay ang iyong pagkamakasarili.
Tanong: Ano ang Kabalistikong kahulugan ng talata, “Hindi mo dapat lutuin ang batang kambing sa gatas ng kanyang ina”?
Aking Sagot: Huwag mong paghaluin ang tumutubong pagkamakasarili (ang batang kambing) sa pagkaloob (ang katangian ng Bina, gatas). Kung gawin mo, hindi lang na mabigo ka sa pagwasto ng pagkamakasarili, kundi ginagawa mo ang pagkamakasarili na lalong lumaki dahil sa katangian ng pagkaloob (Bina): makukuha mo ang “pagkaloob para sa kapakanan ng pagtanggap” sa halip na “pagtanggap para sa kapakanan ng pagkaloob.”
Tanong: Masasabi ba natin na ang mga bagay na walang buhay, mga halaman at mga hayop ay mga anghel? Sila ay tulad ng mga anghel (mga espiritwal na lakas na nag-impluwensya sa atin) dahil sila ay walang malayang kalooban.
Aking Sagot: Iyon ay tama!
Posted on December 18th, 2008 at 9:16 am
Mga katanungang aking natanggap sa pagkilala ng kasamaan at ng pag-aaral ng Kabala:
Tanong: Ano ang dapat naming gawin pagkatapos naming dumaan sa pagkilala ng kasamaan?
Aking Sagot: Kung nakilala na ninyo ang kasamaan na nasa loob ninyo, sa gayon kamuhian ninyo ito ng maigi na ibabaling na ninyo ang lahat ng inyong mga lakas sa pag-alis nito mula sa inyo. Ito ang dapat ninyong gawin. Subali't, kung hindi pa ninyo naabot ang pagkilala na ang pagkamakasarili ay masama, kung patuloy pa rin kayo sa pamumuhay kasama ito, sa gayon pupunta kayo sa akin at magtatanong ano ang gagawin...
Tanong: Ano ang dapat kong gawin kung kasama sa aking dakilang hangarin sa espiritwalidad, takot akong mawala ang ilang mga magagandang bagay na mayroon pa rin ako sa buhay na ito?
Aking Sagot: Kung nag-iisip pa rin kayo na mayrong mabuti tungkol sa kasalukuyang kalagayan, sa gayon hindi pa rin kayo nakaabot sa pagkilala ng kasamaan.
Tanong: Aking naunawaan na tayong lahat ay dapat magkaisa sa panlahatang hangarin sa Lumikha. Pero paano ang tao iiwas sa pagiging zombie?
Aking Sagot: Ikaw ay dapat mag-aral sa mga materyales at mga panuto na sinulat ng mga Kabalista. Sundin mo iyon, gisingin ang mga impluwensya ng Lalong Mataas na Liwanag sa iyo – at babaguhin ka nito sa anumang paraan na kailangan.
Ang Liwanag ay kumikilos sa pamamagitan ng pagbunyag at pagtago ng Kanyang sarili. Ito ang paraan na binabago Nito ang tao, ginawa siyang malaya. Bilang resulta, ginawa siya Nito na Tao – binuo ng pangkalahatang hangaring nilikha at lahat ng kanyang pampuno. Ang Liwanag ay tinawag na Liwanag ng Hochma – ang Liwanag ng Kaalaman.
Ang mga zombie ay lahat ng mga taong walang malayang kalooban – iyong nasa mundong ito, bago papasok sa Lalong Mataas na Mundo. Ito ay dahil mayroon lang silang nag-iisang, makasariling kalikasan ng pagtanggap. Para sa karagdagan nito, basahin ang sanaysay ni Baal HaSulam “Ang Kalayaan” (“The Freedom”).
Tanong: Posible bang ang tao ay hinigpitan sa itaas para siya ay pigilan sa pag-aaral ng Siyensya ng Kabala dahil hindi pa niya panahon na makaabot sa buong koreksyon, walang pagsasaalang-alang sa kanyang mga pagpupunyagi at hangarin sa pag-aaral?
Aking Sagot: Walang paghihigpit mula sa itaas para ninuman. Nagkamali kang tingnan ang mga paghihirap na sinadya para sa pagsulong ng iyong hangarin, bilang mga pagpipigil. Ang pagkatago, hindi buong pagkatago, at ang “pakikipaglaro sa pag-ibig” ng Lumikha sa tao, lahat ay nagsilbi sa pagsulong ng kanyang hangarin sa layunin.